Image from http://chocolatefactorymovie.warnerbros.com, hosted by Photobucket.com Nanood kami ni Mhay ng Charlie and the Chocolate Factory kagabi. Sabi niya, siguradong magugustuhan ko ‘yung pelikula kasi mahilig ako sa tsokolate. Totoong mahilig ako sa tsokolate at sa marshmallow. Siguro dahil sa maliit pa ako’y gustung-gusto ko na ang mga ito at siguro, hindi sapat sa gusto ko ang nakuha ko noon. Parang kumbaga, bitin, kaya ‘di ko na naiwan-iwanan hanggang sa ngayong tumanda na ako. Di ba, mayroon yatang teorya sa psychology na tungkol sa ganito?

Anyway, enjoy ako sa panonood kagabi. Bukod kasi sa nakakaaliw ‘yung pelikula–ang galing ni Johnny Depp magtaray at magpaka-weirdo–napaka-komportable pa ng pagkakaupo namin sa sinehan, maganda ang tunog, at konti lang ang mga tao. Paglabas nga namin, kanta pa rin kami nang kanta ng “Willy Wonka, Willy Wonka!” Tapos kanina sa opisina, bumili ako at tumira ng chocolates. Pati flavor ng crepe na kinain namin kaninang pagkatapos mag-dinner, chocolate ang flavor!

“Willy Wonka, Willy Wonka!” Hehehe.

***

May entry rin pala si Josh tungkol sa Charlie and the Chocolate Factory.

***

Wala pa ring resulta ‘yung sa visa.

***

Wala pa ring resulta ‘yung sa visa.

***

Inilibing na si Senador Roco kanina. Ayon sa ulat ng Manila Times, may limampung libo ang naghatid sa kanya. May mga parangal sa kanya rito at saka rito.

***

Iniuugnay naman ang Abu Sayyaf sa mga pagsabog sa Zamboanga kagabi.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center