Tungkol ito kina Sharon Cuneta at Brian Viloria. Wala silang anumang relasyon. Sa pagkakaalam ko, ha? Nagkataon lang na naisip kong magsulat tungkol kay Sharon habang nanonood ng talambuhay ni Brian sa Magpakailanman.
Tungkol kay Sharon muna. Noong nakalipas na Linggo, matapos naming manood ni Mhay ng isang docu tungkol sa Da Vinci Code, dapat ay matutulog na kami dahil uuwi pa ako sa Maynila kinabukasan. Kaya lang, biglang nakita namin sa TV na palabas pala ang concert ni Sharon. Siyempre nanood muna kami at nakikanta ng “Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan” at iba pang awitin ni Sharon.
Kagabi naman, napanood ko sa Saksi na pasado at nag-top 2 pa sa exam ng UP Open University si Sharon. Asteeg. Ngayon, di lang si Kiko ang schoolmate namin, pati si Ate Sha na rin.
Nga pala, gaya ng Mama ni Mhay, Sharonian din ako.
Si Brian Viloria naman. Dati, nagtataka ako kung bakit parang atat na atat tayong akuin si Viloria bilang kababayan. Sabi ko, kaasar talaga tayong mga Pinoy, porke sikat na ‘yung boksingerong Fil-Am, inaako na natin.
Pero nang makita ko ang larawan ni Brian na nababalabalan ng bandila ng Pilipinas at nang nabasa ko ang mga artikulo sa tungkol sa kanya, na-realize kong iba man ang kanyang wika at tahanan, nasa Pilipinas ang malaking bahagi ng kanyang puso. Kababayan nga natin siya.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 20, 2023
Invitation from Kim Bum
Kim Bum will be in Manila on September 22 and in Cebu the next day.
June 7, 2023
Converge CEO is PH rep to World Entrepreneur Awards
Dennis Anthony Uy is our bet for the EY World Entrepreneur of the Year awards.
May 21, 2022
Susan Roces, 80
Sumakabilang-buhay kagabi si Susan Roces, beteranang aktres at tinaguriang…
Naku, hindi ko na naitanong. Sino nga ba? :p
Supremo,
Tinanong mo ba kung sino ang nag-top?
Gari