Sa UP College of MassComm nabuo ang ideya ng isang online magazine pagkatapos kong hawakan ang Tinig ng Plaridel noong late ’90s. Pero 2001 na, pagkatapos ng People Power 2, nang simulan namin ng kaibigan kong si Noel ang mismong e-zine, sa tulong nina Suyin at GJ.

Matapos ang pre-launch issue na inilabas noong Pebrero 2001, may mga tumugon sa aming panawagan para sa mga sanaysay, tula, at kuwento. Kaya naman noong Abril 2, 2001, lumabas ang unang regular issue ng Tinig.com, ang online magazine para sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga beterano ng EDSA 2.

Gaya ng isinulat ko sa Mula sa Patnugot ng ika-50 at huling isyu, sa loob ng anim na taong pagsisikap na maging Tinig ng kabataan, “samu’t saring usapin ang ating isinalaysay, ibinalita, ikinuwento, tinula, isinalarawan, at minsan-minsa’y isinadula” ng Tinig.com. Sa tulong ng mga kapatnugot ko ngayong sina Alex at Vlad, nanatili ang Tinig.com at nakilala ito bilang cybertambayan ng mga kabataang manunulat, makata, at aktibista.

Ngayong pumapasok na ang Tinig sa ikapitong taon, nagpasya kaming makisayaw sa indak ng panahon. Simula sa linggong ito, mabilisan nang maa-update ang e-zine na dati’y buwanan o higit pa bago mapalitan ang laman. Mas mabilis nang mapa-publish ang mga kontribusyon ng mga mambabasa, at mas maraming usapin ang matatalakay.

Sana patuloy na basahin — at pakinggan — ang Tinig.com.

Siyanga pala, ‘yang larawan sa itaas — ganyan tayo ngayon.

Ganito naman tayo noon:


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center