Naghihintay raw ng divine guidance at mataimtim na nananalangin si Pangulong Macapagal-Arroyo bago magpasya kung tatakbo ba siya o hindi sa 2004, ayon sa kanyang tagapagsalita. Makikipagkita rin daw siya sa Santo Papa sa Roma–ang lider ng Simbahan na sinuway niya nang todo-todo siyang sumuporta sa pambobomba ni US President Bush sa Iraq.

Tutang ina naman, wala namang lokohan! Hindi pa nakakapagpasya? Yeah, right!

Iba kaya ang sinasabi ng mga kapartido niya. Mismong si Jose Ma. Rufino, ang kanyang political liason officer, sa isang panayam sa Inq7 ang nagsasabing “tuluy-tuloy na ang pagtakbo” niya. Maging si Pangalawang Pangulong Tito Guingona, isa sa mga pinuno ng partido ng pangulo, ang Lakas-CMD, ay nagsabing “All indications show that the President is running.”

Pero ayon pa rin sa ulat ng Inq7, gaya ni Bunye ay humirit si Rufino ng “Let’s wait for God’s response.”

Huwag na sanang gamitin ang pangalan ng Bathala sa pambobola sa mga tao.

Hindi sa nananakot ako, pero malaking kasalanan ‘yan. Sabi pa naman ng matatanda, hindi napupunta sa heaven ang mga sinungaling. Itong si Ate Glo, gusto kayang maka-date si Taning? Sabagay siguro sanay na rin naman siya since madalas silang magkita ni Bush.

Naku, Bakit hindi ka na lang magpakatotoo, Ate Glo? Hindi ka si Estrada. Tama na ang drama. Sumigaw ka na rin ng “I love you, Piolo!” Opps, hindi pala. Ipahayag mo na ang balak mong pagtakbo sa susunod na taon.

“Personally, I believe God has spoken to her long ago so there’s no need to wait anymore,” sabi ni Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa ulat pa rin ng Inq7. Kasi nga naman, di ba, ay pa-martir na drama si Ate Glo last year. Hirit niya, gaya ni Rizal, isasakripisyo niya ang personal na ambisyon para sa sambayanan kaya ‘di na siya tatakbo sa 2004. Ito raw ay upang maka-focus siya sa trabaho niya. Iyon daw ang sinabi sa kanya ng Diyos.

Tapos ngayon, hinihintay pa raw ang gabay ng Maykapal kahit alam nating lahat na atat na ata na siyang tumakbo? (Sabi niya kahapon sa mga sundalo sa Mindanao, something like “Sana’y maalala ninyo ako bilang presidente na nagtaas ng inyong suweldo. Aba, ang agang mangampanya!) Aba e Garapalang gamitan na ito! Nangangamba nga raw si Obispo Cruz dahil parang ginagawa ni Ate Glo na pagbagu-bago ang isip ng Diyos.

Ang buhay nga naman. Manatili lang sa kapangyarihan, pati Lumikha’y isasangkalan at gagamitin sa bolahan! Magagalit si Cardinal Sin niyan!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center