Si Ka Satur

Satur Ocampo

Naalala ko noong mawalan ako ng pinakauna kong trabaho. May tatlong buwan pa lamang akong correspondent sa Manila Times–na pinamamatnugutan noon ni Ma’am Malou Mangahas–nang ito ay magsara matapos mapilitan ang mga may-ari na ibenta ang dyaryo sa isang crony ni Pangulong Estrada.

Sa isang pagtitipon ng mga taga-media noong kasagsagan ng isyu ng panggigipit sa Times, dumalo ang guro namin sa UP na si Prof. Carolina Malay at ang kanyang kabiyak na si Satur Ocampo. Ipinakilala ako ni Ma’am Malay sa kanyang asawa at sinabihan ako ni Ka Satur — na matagal ding naging reporter ng lumang Manila Times bago maging aktibista at rebolusyunaryo — na huwag daw akong mawawalan ng pag-asa. Continue reading