“there are two people in earth isang manloloko at isang nagpapaloko..it happens we are one of them..have u ever figured it out? False publicity victim tayo..tiis na lang kc nagpaloko tau e….cheer up..you buy a monthly subscription of 999 pesos of hardship and trials..hehehehe”

–pyth7 of pinoywifi.com

Actually, part 3 na ito ng Smart broken series ko. Hindi ko pa lang nasusulat yung part 2. Aayusin ko, promise.

Bukod sa maraming buhay na kinitil at mga pag-aaring sinira, nag-iwan din ng ilang araw na brown out ang bagyong Milenyo. Nang bumalik na ang kuryente, nalaman kong nawala ang Smart Bro connection ko. Hindi ako agad tumawag ako sa customer service nila dahil alam kong maraming nasira ang bagyo. Siguradong nagkaproblema lang yung mga cellsites nila. Makalipas ang dalawa o tatlong araw, nang unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat, tinawagan ko na ang Smart Bro.

Mas mabait na ako ngayon, di gaya nang dati. Ayoko kasing ma-high blood lalo. Dahil di namin naayos ang connection, sinabihan akong tatawagan ako sa loob ng 24 oras. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila tumatawag. Ang solusyon lang pala–na natagpuan ko matapos maggsawa sa ilang araw na paghihintay sa di na dumating na tawag–ang akyatin ko at pihitin ang aking antenna patungo sa tamang direksyon.

Simple lang ang solusyon sa problemang itinawag ko sa kanila, pero nakakasama pa rin ng loob na “na-indyan” ako. 24 hours daw. Huwag na. Puputi lang ang mata mo sa kakahintay sa wala.

So okay na, ayos na ang connection ko. Pero dahil sa napakabagal na connection, gusto ko sanang magpatulong sa CSR na gamitin ang QuickFix utility nila. Kaso, di ako makapasok sa portal. Mali raw ang password ko.

Inumaga at napudpod na ang kamay ko sa kakatawag sa *1888 at 6727277–may mga sandaling pinagsabay ko pa, isang kamay sa cellphone, isang kamay sa landline–pero ‘di pa rin ako maka-connect.

Naparami na yatang sobra ng subscribers ng Smart Bro, at inabandona na ng Smart ang tungkulin alalayan ang mga nabitag nilang bago at lumang mga customer.

Tsk tsk tsk. Alam kaya ito ni Tito Mon? Sigurado ako!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center