This is a DigitalFilipino.com Club sponsored post for Budget hotels in the Philippines.

Noong nagtatrabaho pa ako sa isang wire agency, may mga pagkakataong pinatitigil ako nang isang gabi ng boss ko sa isang maliit na hotel na malapit sa aming opisina sa Makati. May kalayuan at matrapik kasi ang biyahe sa tinutuluyan ko noong bahay ng tiyo ko sa Novaliches, kaya’t kung maaagang-maaga ang coverage, posibleng mahirapan ako. Ambait, di ba?

Aliw na aliw ako kapag tumutuloy sa hotel na iyon, at wala akong pakialam kung sinu-sino ba at anu-ano ang ginagawa ng mga kalapit-kuwarto ko. Parang bata akong naglalaro ng tubig sa banyo at naglulunoy sa bath tub — wala kasing ganoon sa bahay namin. Sisilipin ko ang Makati skyline sa bintana, titingnan ang palabas sa TV, at kapag nagsawa’y matutulog nang nakatalukbong dahil sa lamig ng aircon. At dahil nasa sentro ng kalunsuran, kinabukasa’y agad akong nakakapunta sa coverage. Kapag sinusuwerte, nakaka-scoop pa.

Ngunit di lang mga tulad kong spoiled na empleyado (noon) ang nakikinabang sa ginahawa ng pansamantalang pagtuloy sa hotel, lalo na sa mga abot-kaya ngunit maganda ang serbisyo. Tinutuluyan din ang mga ito ng mga negosyanteng galing sa probinsiya at mga lokal na turista, at malaking tulong sa mga balikbayan at OFW na walang matutuluyan sa Kamaynilaan. Budget hotels in the Philippines, gaya ng Legend Hotels, ang siguradong hahanapin nila pag-uwi sa bansa.