Nitong Kapaskuhan, niregaluhan ako ng Rubik’s Cube ng isang Kapuso. Medyo nauuso kasi ito ngayon sa isang departamento sa opisina. Naaliw ako sa bagong Rubik’s Cube ko dahil isang hamon ang pagbubuo nito. Pero hanggang ngayon, iisang gilid pa lamang ang nabubuo ko — kadalasan ay iyong puti.
Minsan, ipinahiram ko ang Rubik’s Cube kay Mhay at aliw na aliw rin siya sa pagbubuo nito. Halata ba sa larawan? Mas mabilis siyang makabuo kaysa sa akin.
Kahapon, pagkatapos ng munting kitaan ng Tinig.com sa Trinoma ay naghanap kami ng Rubik’s Cube. Ang una naming napuntahan ay ang Toys R Us. Pagdating namin doon, may isang 3×3 Rubik’s Cube na hawak-hawak ng isang lalaki. Hinintay naming bitawan niya iyon at agad kong dadamputin tuloy ididiretso sa counter. Kaso lang, sa halip na bitawan ay binitbit niya iyon papunta sa customer service. Nang tanungin namin ang mga nagtitinda — na hindi masyadong namamansin — sinabi nilang out of stock daw. Aba, mabenta! Kakakita rin lang namin ng naglalaro nito sa labas ng tindahang iyon.
Na-disappoint kami pero tumuloy kami sa mas malaking tindahan ng mga laruan sa Landmark. Out of stock din daw. Hmm, uso nga siya kung ganoon. Wala rin sa isa pang maliit na tindahang pinuntahan namin.
Pag-uwi namin, naisipan kong tingnan sa tianggeng malapit sa amin. Ubos na raw yung mga may regular colors, at ang natira na lang ay yung may design na Picachu. Binili ko na rin. P20 lang naman. Kaso, hindi ko nilalaro kasi nakakalito.
Sa eBay Philippines, may iisang Rubik’s Cube item na ibinebenta. Isang araw pa bago magtapos ang auction, at may 26 bidders na. P505 na ito ngayon, at mukhang tataas pa. Hindi na ako makiki-bid.
Uso man ito o hindi ngayon, gusto ko pa ring magkaroon kami ni Mhay ng isa pang Rubik’s cube para sabay na kaming magso-solve nito.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
ako rin kay langan ko matutu ng rubics cube kc para may
malilibangan ako
hello
gling naman ng story believe na ako isa nga pala ako sa mahilig magkulikot ng rubiks pro nd ako masyadong marunong hangang 3rd layer lang
try this link http://peter.stillhq.com/jasmine/rubikscubesolution.html eto print nyo pattern yan ng rubiks cube o kaya try search sa youtube tutorial sa rubiks cube .ako three month bago mabuo yan grabe nakakaubos ng oras nakakaadik tiyayaga lang at makukuha din yan fallow the pattern.gudluck.di sa pagyayabang 1 minute kaya mabuo hehehe.
hahahajhahahahaha
patoro nman jn kz halos isang buwan nko ngbubuo isang lng tlaga ang kya ko eh……
ei guys ako nakakabuo in 2 mins average minsan kse boring weekend ko if u want ill be happy to teach you how an average person can solve a rubiks in 3 days.in 3 days u can already solve it all by urself in around 8mins then practice to make the time improve its not that hard ako nga 3 weeks palang nag ru rubiks. ala pala ako mhanap n orig lahat out of stock huhuhu sobrang pagod nko humanap just email me kung gsto nyo magpaturo im happy 2 help saka kng pde pala makati or manila area at ms mganda kung my alam n kaung place tambayan habang nag cu-cube hindi mahirap bumuo lalo na kung alam nyo na bumuo ng isang side
and makati area pala ako near market market so sana mlapit lng kau d2 if ever my magpapaturo
here’s my email alanmeljha@gmail.com
@d master – meron tlgang ibang nkakabuo parang ang yabang na pero in d truth ndi porke nbababuo k ng rubiks mtalino kna kse sa 22o nmn para k lng nag aayos ng mga pictures at nilalagay sa tamang lugar its more on visual test than mind test if u memorize d patterns/algorythms behind it. ms mganda pala kung at least 2 ung magpapaturo para mdami friends.. . . saka ms mganda cguro un
putng ina mya2bng pag gmaw ng rubiks ang ya2bng ptng ina 6 n bwan 1st layer lng alam q leche….pero ngaun 1min lng taps n kuna pati 4rt layer…wakokookok
aasanss’s last blog post..By: cat
Mayroon sa robinsons east if u want email mo friend kodos_tinay@yahoo.com
saan yung morayta?
uso nga rubiks… wla nga nagtuturo sakin mag solve nito e, self study ako sa pagbuo, mag iisang buwan na nga at hanggang 2nd lng alam q pa buuin (mga 30 mins tpos 2nd layer).. hehe :P.. pero lam nyo, ung ibang mrurunong, prang ang yybang, kala mo kng sinong matalino, nabubuo lng nya rubiks.. prang nag papasikat tlga.. hehe wala lng.. inggit lng cgro me.. nyahaha
mama ko ay assistant manager ng national bookstore, tumawag ako kanina sa kanyan para magpabili ng rubiks cube, sabi niya out of stock na raw. wow, mabenta nga! haha.
hay naku.. nakakalito kaya ang rubiks pero gusto kong matutunan ang mga steps! please give me a pattern…
sa morayta my nagbebenta ng rubiks…50 lang with pattern na…
pwede po ba makahingi ng pattern or tips sa pag solve ng rubics cube
san nakakabili ng pentagon na rubiks cube………….
Yeah, pansin ko ngang uso ang Rubik’s cube. Nasolve ko na yan… kaso nga lang with the help of a tutorial sa Internet. Madali lang siya kung alam mo yung mga algorithms na kelangan mong gamitin. Sayang, nasira yung Rubik’s cube namin kaya wala akong malaro.
[…] http://ederic.tinig.com/rubiks-cube/ […]
[…] http://ederic.tinig.com/rubiks-cube/ […]
Makadaan nga sa National minsan. 🙂
sa National Bookstore nga, ang dami nyan. Challenging talaga pagbuo nyan. 🙂
Hmm, bakit nga ba hindi namin sinubukan sa National? :p
Nauso ulit ang Rubik’s Cube? Hala. Kailangan ko na pala ulit magpractice. Pinagtiyagaan namin yan ng mga housemates ko nung college. One month din ata akong nagmemorize kung pano buuin yan. Meron ako dito tatlong Rubik’s Cube. Gusto mo? Sira na nga lang siya. Hehe.
Sa National Bookstore ata meron niyan. Dun ako nakabili eh.