Pumanaw kagabi sa edad na 83 si Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilala bilang Dolphy, ang tinaguriang “Comedy King” ng Pilipinas.
Ayon sa Makati Medical Center, namatay si Dolphy dahil sa multiple organ failure dala ng kumplikasyon sa severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, at acute renal failure.
Pinatawa ni Dolphy ang mga Pilipino sa mahigit 200 mga pelikula, at naging bida siya sa mga sikat na sitcom gaya ng “John en Marsha” at “Home Along Da Riles.”
Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Hulyo 25, 1928, pangalawa siya sa sampung magkakapatid. Sinimulan niyang aliwin ang mga manonood bilang isang chorus dancer sa Avenue Theater. Mula sa teatro, pinasok din niya ang radyo noong huling bahagi ng 1940s.
Sa ilalim ng Royal Poe Productions ni Fernando Poe Sr. unang naranasan ni Dolphy ang paggawa ng pelikula, pero matapos siyang madiskubre ng noo’y sikat na aktor na si Pancho Magalona, nakapasok si Dolphy sa Sampaguita Pictures.
Pagkatapos ng unang pelikula niyang “Sa Isang Sulyap Mo, Tita,” naging bida na si Dolphy kasama si Lolita Rodriguez sa “Jack en Jill.” Dito na nagsimula ang marami pang beses na pagganap ni Dolphy bilang bading.
1977 nang matanggap ni Dolphy ang pinakauna niyang FAMAS trophy para sa “Omeng Satanasia.” Noong 2001, inilabas ng RVQ productions ang “Markova: Comfort Gay,” na pinagbidahan ni Dolphy at ng mga anak niyang sina Eric at Jeffrey bilang Markova sa iba’t ibang edad. Para sa pelikulang ito, napanalunan nilang tatlo ang pinakamataas na parangal sa Brussels International Independent Film Festival.
Kasabay ng paglulunsad ng “Hindi Ko Ito Narating Mag-Isa,” ang talambuhay ni Dolphy na isinulat ni Bibeth Orteza, inianunsyo noong 2008 ang Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc., na nagbibigay ngayon ng scholarship para sa mga estudyanteng karapat-dapat at nangangailangan ng tulong.
Noong 2010, iginawad ni Pangulong Aquino kay Dolphy ang Maringal na Kuwintas, ang pinakamataas na ranggo ng Order of the Golden Heart dahil sa kanyang komedya at mga gawang mapagkawanggawa.
Sa pagpanaw ni Dolphy, nakiramay ang Pangulo sa pamilya ng komedyante. “Mabuting tao si Dolphy, at kinatawan niya ang karaniwang Pilipino: malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa, at handang harapin ang mga hamon ng tadhana.”
Ani Aquino, galing si Dolphy sa henerasyong sumuong sa maraming pagsubok na humubog sa huli para maging mapagpakumbaba, matapat, at matulungin. Pinuri rin niya ang pagtanaw ni Dolphy ng utang na loob.
May 18 anak si Dolphy sa anim na babae. Ang aktres na si Zsa-Zsa Padilla ang kanyang kasama sa buhay sa nakalipas na 23 taon.
Nagpasalamat naman ang pamilya ni Dolphy sa pakikiramay at pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang padre de pamilya.
“Pray for his eternal repose and in his honor, please smile at the person standing next to you. Heaven is a happier place with him there. And for us whom he’s left behind, comedy is dead, but long live comedy,” wika ni Eric Quizon, isa sa mga anak ni Dolphy.
Ani Dolphy sa isang panayam kay Jessica Soho, nais niyang maalala siya ng mga tao nang may ngiti sa kanilang mga labi.
Ngunit bukod sa saya at katatawanang pamana niya sa atin, may isa pang aral na iniwan si Dolphy: ang pagiging mapagpakumbaba, na aniya’y naging sikreto kung bakit nagtagal siya sa pinili niyang industriya.
Ang sinabi ni Dolphy na lagi kong maaalala: “Humility is the name of the game. Pirmi akong nakantuntong sa lupa.”
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.
[…] “Rodolfo ‘Dolphy’ Quizon, 83.” ederic.net. Web. 20 Enero, 2016. <http://ederic.ph/rodolfo-dolphy-quizon-83/> […]
dolphy is such a good and funny person. condolence huuhuuhhuuhuu