August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

Habang pinag-uusapan pa rin sa iba’t ibang sulok ng Philippine blogosphere ang pagpapatawa ni Malu Fernandez, tuloy ang kampanyang boykot ng Tingog.com. Ang iba, sumusugod na sa Multiply site ng People Asia.

Ang Tinig.com naman, mayProyektong Malu Fernandez. Mula ito sa mungkahi ni Benj Espina at sumusunod sa tradisyon ng mga writing project ng Digital Filipino.

Titipunin sa Tinig.com Blog ang reaksyon ng Pinoy bloggers sa isinulat ni Fernandez. Pagkatapos, pipili ang bloggers mismo ng 10 entry na pinakagusto nila.

Kung may naisulat kayo ukol dito, pakipost ang URL sa comments section ng Proyektong Malu Fernandez.

Kabilang sa mga nag-post ng link si Dr. Tess, na nagsabing “If you want to be mean to this woman, then be intellectually mean.” Si Kuya Batjay naman, naniniwala ring sa halip na personal na atake ang iganti, “pag may nag bad mouth sa ating mga OFW, kailangan tumbasan ito ng mga positive na kwento.”

Samantala, hindi naman sang-ayon kay Fernandez ang kaibigan kong si Jon. Ayon sa isinulat niya sa Tinig.com, ang mga OFW ay “sinag ng pag-asa”.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center