(Note: nang malapit ko nang matapos ang entry na ito, naisip kong mag-search muna kung ang tip na naiisip kong i-blog ay naisip at naikuwento na ng ibang blogger. Tama ang hinala ko. Kaya kung ayaw ninyong basahin ang mahabang kasaysayan ng pagtu-Twitter ko at sa pamagat lang kayo intresado, puntahan na lang ang Markcas.com. Pero kung bored kayo at walang magawa, sige tuloy lang.)

Nang ipakilala ng PinoyExchange noon ang wireless journal service, isa ako sa mga naadik dito. Nagustuhan ko kasi ang ideyang makakapag-post ako sa isang journal ng kahit ano gamit ang cellphone ko kahit saan ako naroon: maging sa jeep man, MRT o sa kubeta. Pero kalaunan, natigil ang WJ ng PEx. Sinubukan ko itong ituloy sa Blogger, pero iba pa rin ang WJ.

May iba pang mga dumating na serbisyong kahawig ng WJ, ngunit karamiha’y pumalpak din. Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa Twitter sa site ni Jayvee. Siyempre, na-excite ako at agad ko itong sinubukan.

“Twitter is a community of friends and strangers from around the world sending updates about moments in their lives,” ayon sa website ng Twitter. Ganito ‘yun: may tanong ang Twitter–“What are you doing?” Ang isang miyembro, kung kailan niya nais, ay magpo-post ng sagot, halimbawa’y “Nagba-blog bago matulog” sa website ng Twitter, o kaya’y gamit ang instant messenger gaya ng GTalk, o gamit ang kanilang cellphone. Ang ipinost niya ay mababasa naman ng mga kaibigan niyang kasali rin sa Twitter sa pahina nila at pwede rin nilang piliing makuha ang mga updates sa IM o cellphone nila.

Asteeg di ba? Ang ipinadala ng isa, maaaring matanggap ng lahat. Dahil dito, puwede itong magamit bilang group messaging tool. ‘Yung iba nga, ginagawang parang chatroom ang Twitter. At dahil ang bawat member ang pipili kung sino lamang ang pwedeng makabasa sa mga ipinopost nila, ang Twitter ay puwede ring gawing mini-diary.

Para makatanggap ng mobile alerts, kailangan lang i-register at i-verify sa site ang cellphone number ng sumasali. Dahil dito, may minsanang bayad na international text ang rate. Sa Smart, P15 yun. Pero kung makakatanggap ka naman ng unlimited messages galing sa mga kaibigan mo rito at sa ibang bansa, sulit na ‘yun di ba?

Nalungkot lang ako noong una dahil hindi ako makatanggap sa cellphone ng updates ng Twitter friends ko. Akala ko, palpak din. Kalaunan, naayos din ito. Pinili ko na nga lang ang mga susundan ko dahil bumabaha ng mensahe sa inbox ko.

So okay na sana. Pero may isang problema pa. Kahit libre ang pagpo-post sa website o gamit ang IM, at iba pang Twitter tools, ang pagpo-post gamit ang cellphone ay may kamahalan. Dahil number sa Europa ang papadalhan, siyempre ay international text ang bayad dito.

Nagawan ko ng paraan ito dati gamit ang Chikka, pero parang ayaw nang gumana ngayon. Ang pekeng Soxy Topacio naman ang nagsabi sa amin kung paano mag-post gamit ang 8890 access number na ayaw na ring gumana ngayon. Sa parehong pamamaraang iyan, P2.50 kada mensahe lang ang babayaran kaya okay lang–kapareho rin ng singil noon sa PEx WJ.

Kanina, may tweet si Punzi na may kaugnayan sa Twittermail. Bigla kong naalala na dati ko pang sinusubukan ang pagpo-post sa Twitter gamit ang Twittermail at TextMail ng Smart, pero ayaw gumana. Bad trip pa dahil nalimutan ko na ang password ko sa TextMail. Tumawag pa ako sa CS nila, pero wala raw silang magagawa para ma-retrieve ang password ko. Pero kanina, na-realize kong makakapagpadala pa rin pala ako ng e-mail gamit ang TextMail kahit di ko alam ang password ko, dahil gumagana pa naman ang account ko. ‘Yun nga lang, di ako makakalog-in sa webmail nila. Pero yung send e-mail thru text, walang problema.

Ikukuwento ko sana rito kung paano, pero dahil nga naisipan kong mag-Google search May step-by-step na procedure sa Markcas.com .

Idagdag ko lang na pagkatapos mong maipadala ang unang message mo sa Twittermail, may darating na SMS mesage na ganito: “Message will be sent to 200xxxxxxxxx (youusename@twittermail.com)….” Isubi lamang sa iyong address book ang numerong nasa sender (nagsisimula sa 200). Sa susunod na pagtu-tweet mo, dito mo na lang diretsong ipadala ang message mo–papasok na iyon sa Twittermail at mapo-post sa Twitter.

Mas mura ito dahil P2.50 per send lang. Kung gagamit kasi ako ng GPRS sa Treo 650 ko, mas mahal dahil P10 bawat connect. (Actually, P10 daw pero 30 minutes, pero pag pinutol mo ang connection bago mag-30 minutes, kakainin na ng system ang lahat ng P10 mo.)


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center