Photo from Congress.gov.ph | hosted by Photobucket.com

Ang tanong ni Marinduque Rep. Edmund Reyes, “Wala na bang pipirma para sa katotohanan?” May 73 na raw silang pirma para maipadala ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo sa Senado. Anim na lang ang kailangan.

Katahimikan ang isinagot sa kanya ng mga kapwa mambabatas, at tinira pa siya ng ilang kasapakat ni Arroyo.

Kung hindi madadala sa Senado ang impeachment, mananatili ang mga tanong sa isipan ng mga tao tungkol sa “Hello Garci”, sa Juetengate, at iba pang kontrobersiya. Mananatili ang pagdududa sa karapatan ng reyna na manatili sa Palasyo.

Akala ko, gusto ng mga kaalyado ng Pangulo na lumabas ang katotohanan. Ayon sa isang artikulo sa Gov.ph,

Malacanang welcomed the filing of an impeachment case against the President, as it called on the proponents to follow the rules and accept the consequences of their act, “just as the President has expressed her readiness to face the charges leveled against her, should they succeed.

Akala ko lang pala. kasi nga, may catch: “should they succeed.” Should they succeed. Alam na ng Palasyo na malayong magtagumpay ang impeachment sa House.

Para naman kasi akong bago nang bago. Di pa nasanay sa mga kasinugalingan ng kasalukuyang rehimen.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center