Pinoy VloggingKakalipat lamang ni Coy–isa sa 11 influential Pinoy bloggers na kinilala ng Digital Filipino–mula sa Blogspot patungong www.thisiscoy.net. Bukod sa bagong domain, may sarili na rin siyang hosting. At ngayong bago ang kanyang site, inaanyayahan niya tayong sumali sa kanyang mini-blogging project: ang “uBlog, iVlog.”

Ayon sa kanya, layunin ng proyekto na maipakalat ang mahika ng lumalawak na “craft of vlogging” o video blogging sa Pilipinas, at upang mahikayat ang Pinoy bloggers na subukan ito. Ang mananalong blogger ay igagawa ni Coy ng promotional video para sa kanyang blog o website.

Bukod sa promotional videos, isa ring blogger ang mananalo ng 100MB webhosting na kaloob ng Tinig.com.

Madali lamang sumali. Kailangan lamang mag-post ng entry sa inyong blog tungkol sa vlogging sa Pilipinas. Siyempre, dapat i-link ang project page ni Coy.

Para sa kumpletong alituntunin, pumunta lamang sa www.thisiscoy.net.

Related posts sa Philipine blogosphere:


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center