Pinoy Idol Copyright © 2008 GMA New Media, Inc.Matapos matanggal si Ramiele Malubay, ang pambato ng Pilipinas sa American Idol (kahit pa sabihing weird na may “Pinoy” sa American Idol), ngayong gabi naman ay mapapanood na sa GMA Network ang unang pagtatanghal ng Pinoy Idol — ang bagong local version ng American Idol.

Nauna nang naipalabas sa ABC Channel 5 ang local franchise ng American Idol, at tinawag itong Philippine Idol. Nang makuha ng GMA-7 ang franchise, hindi nito kinilala ang Philippine Idol. Pinoy Idol ang ginamit na pangalan ng bagong show, at iba na rin ang host at judges nito.

Si Raymond Gutierrez ang host ng Pinoy Idol, at sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy ang mga hurado.  Ayon sa report ng iGMA.tv, ang FremantleMedia, may-ari ng American Idol franchise, ang pumili sa kanila mula sa listahang ibinigay ng GMA.

Sina Pow Chavez at Reymond Sajor ang paborito ko sa Philippine Idol. Si Mau Marcelo, isa rin sa nasa listahan ko, ang itinanghal na pinakamahusay. Lumaban siya sa Asian Idol bilang kinatawan ng Pilipinas, ngunit di pinalad.

Aabangan ko rin ang Pinoy Idol at lagi akong magpo-post ng updates. Mapapanood din sa Amerika ang Pinoy Idol sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center