photo from Bulatlat.comSa kabila ng patuloy na pagdami ng mga balita ng pagyurak sa kasarinlan at iba’t ibang usapin ng corruption at pamumulitika sa pamahalaan, sumusulong din naman ang tinatawag na People Power. Sa kanyang kolum kamakailan ay binanggit ni Teddy Casino, lider ng Bayan, ang muling pagsasama-sama ng mga aktibistang lumaban kay Marcos sa organisasyong Bagong Bandila sa pamumuno ni Pangalawang Pangulong Tito Guingona bilang halimbawa ng pagsulong ng People Power.

“It shall be a progressive alliance of the democratic forces; of liberal democrats; of Christian democrats and of democratic socialists/social democrats and other democratic forces. It shall be an alliance of democratic organizations that adhere to Bandila?s vision, principles and goals,” ayon sa layunin ng Bandila.

Sa kanyang talumpati noong Nobyembre 27, nang pormal na ilunsad ang Bagong Bandila sa Club Filipino, binigyang-diin ni Guingona ang pagbibigay-lakas sa batayang masa bilang panimula sa pagtatatag ng isang malakas na bansa.

“We must empower the people. Like you, I want a strong nation? but strength must stem from a firm foundation below. A strong edifice needs a strong foundation?empowered people. Most of our farmers and fisherfolks and workers in the rural areas have not gone beyond primary education,” wika ni Guingona sa kanyang talumpati.

Samantala, nabanggit din ni Casiño ang patuloy na pag-oorganisa ng mga Pilipinong manggagawa sa Hong Kong upang bantayan ang kanilang mga karapatan bilang isa pang patunay ng pananatiling malakas ng diwa ng People Power.

Dito sa ating bansa, maliban sa pagkakatatag ng Bandila, isa pang halimbawa ng patuloy na pagpapakita ng People Power ang matapang na sagot ng mga manggagawang ng gubyerno laban sa pagbabawal sa mga strike. Ang sagot ng mga government worker sa ganitong policy: strike!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts