Ngayong sa Maynila na ako namamalagi, may mga nababasa at naririnig ako tungkol sa mga batang anak-mayaman at middle class na nagti-trick or treat kapag Halloween.

Pero noong nasa Marinduque ako, wala sa bokabularyo ko yang trick or treat na ‘yan. Ang meron sa amin ay ang pangangaluluwa. Parang karoling kung Pasko, pero ginagawa sa gabi kapag Undas (o Undras). Kakanta ang mga nangangaluluwa, at dapat ay bibigyan sila ng pera ng mga nasa bahay na tinapatan at kinantahan nila.

Ganito ang kinakanta nila (ang eksaktong lyrics ay nakuha ko sa blog ni Sir Roland Tolentino):

Kaluluwa’y dumaratal/Sa tapat ng durungawan
Kampanilya’y tinatantay/Ginigising ang may buhay
Kung kami po’y limusan/Dali-dalian po lamang
Baka kami mapagsarhan/Ng pinto ng kalangitan
Kaluluwa kaming tambing/Sa purgatoryo nanggaling

Hindi ko alam kung mayroon pa ring nangangaluluwa sa amin — o kahit sa ibang bahagi ng bansa. Ang alam kong huling gumagawa niyan sa aming barangay ay ang matandang si Ka Pelis (Felix?), na malamang ay sumakabilang buhay na.

Pero mukha namang wala pang nagti-trick or treat sa amin. Ano ba ‘yang trick or treat na ‘yan? Isa itong tradisyon sa Amerika at ilan pang mga bansa na pilit na ginagaya ng ilang mga Pilipino.

Pasintabi sa mga nagti-treat or treat — wala pong personalan, napag-uusapan lang — pero sabi ko nga sa office kanina, parang TH, as in trying hard, ang mga magulang ng mga batang pinagti-treat or trick. Parang TH gumaya sa tradisyon at kulturang dayuhan.

Pero opinyon ko lang ‘yun sa ngayon. ‘Di ko naman sinasabing mangaluluwa na lang kayo. Ika nga, kanya-kanyang trip lang yan. Kung saan ka masaya, happy ka roon!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center