Update from Will to Win, the latest Manny Pacquiao microsite of GMANews.tv : “Pacquiao wins, keeps WBO title; Barrera retires, winless“.
So yun, panalo si Pacman by unanimous decision. Sa kanya pa rin ang sinturon ng WBO International super featherweight title. Congratulations, Pilipinas! Kahit inaapi tayo ng mga “desperado,” at inaano ang respetadong dating presidente natin, bakal naman ang pambansang kamao natin. Ano, suntukan na lang! Hehe.
Paggising ko kani-kanina lang, natanggap ko ang text na ito “TIO [TKO] Pacquiao.” Galing ang text sa pinsan kong si Bernadette. Nang kulitin ko kung paano niya nalaman, sabi raw ng tito ng friend niya sa States. Pero kaka-text lang, sinungaling daw pala yung friend niya, hehe. Di naman pala na-knock out.
Sa Twitter friends ko, si Coy aka Cokskiblue ang unang nag-twit ng panalo ni Pacman.
Samantala, nasa Round 10 na ang round-by-round coverage ng GMANews.tv, at ang headline ng Round 9 ay Pacquiao starts to take charge.
Sa live updates naman ng Doghouse boxing, tapos na ang laban at “official winner to be announced in minutes daw.”
Update: eto na ang judges’ scorecards nila:
#1: 118-109 Pacquiao
#2: 118-109 Pacquiao
#3: 115-112 Pacquiao
Pacquiao by unanimous decision.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



panalo din ng 12 corona beer ang uncle ko sa ka-bet nyang espanyol 🙂
Mabuhay si Manny!