Sa pamamasyal ko sa cyberspace ngayong hapon, nadapadaan ako sa website ng Bagong Alyansang Makabayan at naka-download ng MP3 ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Gat Andres Bonifacio.
Samantala, nag-update naman ako ng website ni Dean Luis Teodoro at isa sa mga artikulong in-upload ko ay ang Ninoy remembered. Ayon kay Dean Teodoro,
Naisip ko lang ang pagkakapareho ng pag-aalay ng sariling buhay nina Bonifacio at Aquino para sa bansang Haring Bayang Katagalugan na kalauna’y naging Republika ng Pilipinas.
Hindi tayo nauubusan ng mga bayani. Sa ating sariling panahon, may mga “may pusong wagas sa bayang nagkupkop” na handang mag-alay ng “dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod” para sa tinubuang lupa. Ngunit sana’y hindi na kinakailanganganing mangagkamatay muna sila bago kilanlin.
Sa panahong ito ng panunumbalik ng umiigting na kolonyalismo, ang mga tunay at buhay na bayani ay dapat na magkasama-sama’t mag-isang lakas upang maipagtanggol ang anumang natitira sa ating kalayaan.
Eto pala ‘yung lyrics ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Bonifacio na nakuha ko sa Bulatlat.com. Narito ang link kung gusto ninyong i-download ang kanta.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres BonifacioAling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagotAng nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayanGunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyagIpakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langitAling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
..ahhh.. so now alam ko na.. iyong shortcut version pla non iyong kanta and then my original version din..
..your blogspot’s nice ha.. very informative..
..ipagpatuloy mo iyan..
..so that you can help students like us in our research..
..thanks!!
..arigato gozaimasu..
..:)
Salamat sa pagdalaw, jeany. daan ka ulit. 🙂
naks tanxs ha may assignment na ko!!!!!
where can i download the song..im tired of making ways..and its not gonna end downloading it..>_<
PARA SA SANGKAPULUAN!
MABUHAY!
ginawa namennyan sa school namen sa sabayang pagbigkas…..
ok po 2 tnx at my ngawa me assing sa literature ^^
Hello, Ederic!
Ito pa rin ba ang blogspot mo? Hinahanap ko ang lyrics ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa — the awit version — at itong blogspot mo ang unang lumabas.
Kung ihahambing mo ang awit na ito na nagsisimula sa ‘Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya’, sa orihinal na tula ni Andres Bonifacio, mapapansin mong pinaigsing bersyon ang awit, at maraming orihinal na saknong o stanza ang nawala.
Here’s a background on how this happened. Bandang 1977 o 1978, magkasama kami ni Luis Jorque, isang aktibista, musikero at kompositor, sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan. Nagtatanghal noon kaming mga detainee ng mga dula at iba pang cultural performances sa loob ng bimbinan. Si Behn Cervantes, nakapiit din, ang aming direk. Naisipan naming gamitin ang tula ni Bonifacio. Dahil sa haba nito, pinili ko ang ilang saknong na maaring gawing awit, at nilapatan ni Luis Jorque ng musika — ito na ngayon ang awit na kilala ng madla, at taglay pa rin ang pamagat ng tula ni Bonifacio. Napabilang na ito sa repertoire ng Inang Laya, ni Noel Cabangon, at iba pang makabayang mang-aawit sa ating panahon.
Nais ko sanang hingin ang tulong mo. Baka may impormasyon ka sa whereabouts ni Luis Jorque. Hindi na kami nagkita mula noong lumaya kami sa Bicutan. Malaki ang kanyang naging ambag sa kultura at sining ng kilusang makabayan. Huli kong balita noon ay may malubha siyang karamdaman. Nagtrabaho din yata siya sa Ibon Foundation.
Maraming salamat,
Ed Maranan
Pre baka me mga MP3 ka ng mga kanta ni Celeste legaspi kasi hindi ako makakita kahit saan, ( mamang sorbetero, Saranggola ni Pepe, sapagkat kami ay tao lamang) nawawala na sa mga pilipino ang pagiging makabayan…
thanks for this! used as a project
Vanessa’s say;ang ganda tatandaan ko ito.
I love it.Tulang tulatalaga.Kasing ganda ko.Cool.
hello pwede mo akong gwa ng fb
Maganda ang mga sinabi mo, smile. 🙂
ang pag-unlad ng ating bayan ay nakasalalay sa sarili nating mga palad.. kung maging responsable taung ma3yan, hindi tamad at may disiplina sa sarili malaking tulong na yun sa ating bansa…. wag masyadong umasa sa mga opisyal ng gobyerno dahil kahit nong wala pa si Hesus nag e-exsist na ag corupxon…
Itama ang mali sa peaceful na paraan hindi ung nagkakasakitan.
tamuh dapat makipagtulungan tayo upang makamit ang kasarinlan
Tama, dapat magtulungan! :-bd
we nations all created equal
in freedom to our own teritories and bounderies in our own national resources
we have one signature for one nation
unity of one nation one family
nice to know na may nakaka appreciate pa nang gawa ng mga Bayani natin.At binabalik balikan ng mga estudyante.Of cors I also eappreciate ung mga dakilang teacher na pinapa alala pasakanila estudyante ang mga ganitong gawang ating bayani….sayang nga lang sana marami pang media ang maka appreciate nito….Ay naku kundi pasa anak ko nakalimutan ko na ito.Missko tuloy nung high school ako.Mabuhay! and God Bless……
ang ganda!cool.naktulong sa akin yung lyrics sa tinubuang lupa pero wish ko lng tama.
ei! im new here and i found ur site a good one…
nagreresearch kz ako about talumpati and some examples of it…
nawili n ko sa pagbbsa d2…
uy! hindi na dean si teodoro, di ba? si sir nicanor tiongson na…yes, the one who resigned over the hoopla about “live show”…
hey! the song “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”reminds me of my primary years in school, kinanta namin after graduation. 🙂
Btw, I got your link from Pex, nice site!
sa pamilya ko sa side ng nanay ko, dalawa lang kami ng tita dina ko na naniniwala sa mga simulain ni senador aquino (ninoy, hindi tessie oreta, ayoko sa p*ta..hehe). lahat sila, maka-macoy. pero di kami natitinag. patuloy naming bubuhayin ang mga nasimulan ng yumaong bayani.
kakatakot nga lang maging bayani., laging namamatay. wag na noh!..hehe…*daan lang po uli.*
wow! bago ang look ng blog mo, papah! 🙂
lalaki kaba ndi halata eh bebebebebebebebebebebebebebbebebebebebebebebe