Naging masugid na tagasuporta siya ng “war on terror” ni Pangulong George W. Bush ng United States. Nagdeklara siya ng state of emergency sa kanyang bansa. Sa ilalim ng kanyang diktaduryang rehime, ikinulong ang maraming mga aktibista para sa karapatang pantao at mga lumaban sa kanyang pamahalaan. Akusado ang kanyang administrasyon ng katiwalian at pandaraya sa eleksyon.

Mahigit walong taon na mula nang iluklok niya ang sarili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang “bloodless coup.”

Upang makaiwas sa impeachment, nagbitiw ngayong araw na ito si President Perverz Musharraf. Nagdiwang ang Pakistan.

Kailan kaya magdiriwang ding muli nang ganito ang Pilipinas? Mukhang malabo, sa tingin ni Ma’am Ellen.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center