Noong isang buwan, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Karla ng Pinoycentric.com para sa isang tanghalian ng mga blogger sa Shangri-La Hotel sa Makati. Syempre, kahit jologs ako at takot sa mga kubyertos sa mga hotel, pumunta pa rin ako para makadaupang-palad ang iba pang mga blogger.

Pagdating ko sa pagtitipon, nakilala ko sina Aryty.com CEO Nils Johnson at Creative Director Daniel Neumann. Mula sa New York, sinadya nila ang Pilipinas at nakipag-EB sa ilang bloggers upang ipakilala ang kanilang kumpanya.

Natuwa rin ako’t ilan sa mga kaibigan kong bloggers ang mga naroon sa kita-kits na ‘yun. Nakadalo si sina Markku, Aileen, Sasha, Gail, Mike, Jayvee, Ajay, J. Angelo at Caren, at Venorica.


Ako kasama sina Daniel, Aileen, Markku at Karla. (Ang larawan ay ninenok ko sa Multiply ni Sasha)

Sa pakikipag-usap ko kina Nils at Daniel, natuwa ako nang maramdaman kong ang interes nila sa Pilipinas ay di lamang dahil sa negosyo nila. Mukhang nagigiliw sila sa mga Pilipino, at si Nils ay nag-aaral pang mag-Filipino. Sinusubukan nila ang mga pagkaing Pilipino, at di gaya ng ibang balahurang Kano, di nila pinagtatawanan o ininsulto ang Jollibee. Kilala nila si Weng-weng, at nanonood daw sila ng Chika Minute sa Internet. Gusto nilang lakbayin ang Pilipinas. Pinag-usapan pa nga namin nina Daniel ang tarsier.

Eto pa ang mga nalaman ko tungkol sa Aryty sa libreng tanghaliang iyon:

Sa pamamagitan ng Aryty.com (binibigkas na parang All Righty), puwede nang magpadala ng load sa mga Smart, Globe, at Sun Cellular subscribers sa Pilipinas ang sinumang nasa US o Canada. Gagawa lamang siya ng account sa Aryty at icha-charge ng Aryty sa kanyang credit card ang halaga ng load na kanyang ipinadala. Agad namang matatanggap ng texter sa Pilipinas ang load. Pwede ring mag-request ng load sa mga mahal sa buhay sa Tate at Canada.

Hindi naniningil ng service charge ang Aryty. Sabi ni Nils, di rin dapat mag-alala sa paggamit ng credit card sa kanilang site dahil secure ang kanilang server. Mabibigyan din ng libreng 150 piso para maipadala ang mga bagong miyembro ng Aryty. Pati nga kami, nasampolan ng libreng load at freebies.


Nagpapaliwanag si Nils habang nakikinig si Karla (Galing ang larawan sa Flickr ng Aryty.com)

Ayon sa kanilang blog, ngayon ay pwede nang i-schedule ang pagpapadala.

May isang taon nang online ang Aryty. Kabilang sa customers nila ang mga nars na nagpapadala ng pera at load sa mga anak at kamag-anak nila sa Pilipinas. Balak din nilang magpalawig ng serbisyo sa Europa at Middle East.

Narito ang ad ng Aryty sa YouTube:

O, may load ka pa ba? Baka naman naubusan ka na naman. Di bale, Aryty lang ‘yan!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center