Kung dati ay “Palayain si Ka Bel” ang sigaw ng mga tagasuporta ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran, ngayon ay “Malaya na si Ka Bel” ang siguradong isinisigaw nila.
Sa bisa ng huling pasya ng Kataastaasang Hukuman na nagbasura sa kasong rebelyon ni Ka Bel at ng mga kasamahan niyang si Bayan Muna Reps. Satur Ocampo, Teddy Casiño at Joel Virador, Gabriela Rep. Liza Maza, at Anakpawis Rep. Rafael Mariano–kilala rin sa tawag na Batasan 5–si Ka Bel ay nakalabas na ng Philippine Heart Center, kung saan siya naka-hospital arrest nang mahigit isang taon.
May Batasan 6 Timeline ang GMA News Research sa GMANews.tv.
Samantala, habang naghahanap ako ng larawan sa Arkibong Bayan, nakita ko ang tulang ito ng kaibigan kong si Alex para kay Ka Bel:
ISANG BUKAS NA LIHAM KAY CRISPIN BELTRAN
Alexander Martin RemollinoSa bayang ito ay hindi maaari
ang maging marangal nang di nabibilanggo.
Ganito ang winika
ng isa sa mga tauhan ng Noli Me Tangere.
Ka Bel,
patunay nito ang pagkakakulong mo ngayon.
Mambabatas kang ang mga inihahaing panukalang-batas
ay may layong papurulin ang mga ngipin
ng mga batas na ang nagsigawa’t nagpapatupad
ay mga tulisan at kawatan.
Sa bansang ito kung saan ang mga taliba ng dangal
ay ang mga walang dangal,
isang kawalang-dangal ang kumalinga
sa mga dinarahas ng mga hari-hariang tulisan,
sa mga pinagnanakawan ng mga hari-hariang kawatan.
Kaya ka nakapiit ngayon.
Kaya ka rin napiit noon.
At bago pa man iyon ay marami na ang nauna:
Amado Hernandez,
Crisanto Evangelista,
Aurelio Tolentino,
Isabelo de los Reyes,
Apolinario Mabini,
Jose Rizal.
Talastas kong talagang sa bansang ito, Ka Bel,
ay hindi maaari
ang maging marangal nang di nabibilanggo.
At alam kong lalagi’t lalaging ganito
hanggang sa hindi nababaligtad
ang mga pamantayan ng dangal sa bansang ito.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.