Sa tagumpay ng tatlong Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Chomolungma o Mt. Everest, well-represented ang Pilipinas.

Nakuha ko ang impormasyong ito sa 24 Oras newscast ng GMA-7, at nang i-review ko ang mga datos, nakita kong tama nga ito.

Si Heracleo “Leo” Oracion, na naka-summit noong Mayo 17 ang kumatawan sa Visayas. Tubong Lucban, Quezon siya, pero sa Cebu na naninirahan ngayon.

Taga-Davao naman si Erwin “Pastor” Emata, ang kinatawan ng Mindanao. Mabilis niyang naakyat ang tuktok ng Mt. Everest isang araw pagkatapos ng tagumpay ni Leo.

Pambato naman ng Luzon si Romeo “Romi” Garduce, ang taga-Bataan na kasapi ng UP Mountaineers na nakaayat sa taluktok ng pinakamatayog na bundok sa daigdig noong Mayo 19.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center