Lumabas ng Lakas-CMD si Senador Loren Legarda. Ginawa raw niya ito upang malayang makapagpahayag ng kanyang mga saloobin sa mga pambansang usapin nang hindi nalalabag ang patakaran ng partidong ngayo’y nagkakawatak-watak.

Pero isa sa mga obvious na dahilan ay ang napipintong pagtakbo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa 2004. Alam nating lahat na nais ni Loren na maging pangalawang pangulo at hindi inaasahang magpapatakbo ng tandem na binubuo ng dalawang babae ang Lakas.

(Napapa-roll eyes si cyberfriend Perfectly Sassy sa ganitong ideya.)

Sabi ni VP Tito Guingona, “the party’s loss is our people’s gain. I am saddened but I fully respect and accept Loren’s declaration of independence.”

Sana nga para maging malaya ang paglayas ni Loren sa Lakas, at hindi para kumabit sa tiket ni Danding Cojuangco, isang negosyanteng pinaniniwalaang nagpasasa sa buwis ng mga magniniyog na kinabibilangan ng Lolo at Lola ko.

Kung ang kanyang pag-alis ng Lakas ay para yakapin si PacMan, tuluyan nang mamamatay ang umaandap-andap na paniniwala kong balang araw, si Loren — na may matuwid na mga posisyon sa mga usapin ng soberanya at kasarinlan, usapang pangkapayapaan at karapatang pantao, at kalikasan — ay posibleng maihanay sa mga maprinsipyo at makabayang lider tulad nina Recto, ng mag-amang Tañada, Diokno, Salonga, at Guingona.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center