Ang magnanakaw raw ay galit sa kapwa magnanakaw. Hindi ako magnanakaw. Pero makulit ako. Ang makulit kaya ay galit din sa kapwa niya makulit?

Kapag kayo’y kinukulit, paano kayo umiiwas? Ibabahagi ko itong transcript ng isang YM conversation ko kamakailan. Let me know kung okay o bulok ba ang style ko sa pag-iwas.

Kung dati’y mga fans nina Rainier at Eddie Gil ang nangungulit sa akin, ngayon naman ay isang excited sa pagbabalik ni Darna sa telebisyon. Fan ni Jolina ang last na nangulit sa akin sa e-mail tungkol kay Darna, kaya tinawag kong Jolinian ang nakausap kong ito.

Jolinian: helo tanong ko lang po sana kung sinu na gaganap na darna sa gma7?

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Jolinian: ay ganun ba?

Tembarom: opo

Jolinian: e pano at baket email add mo ang bingay sakin nung darna?

Tembarom: ewan ko

Jolinian: kaw ba yang nasa pix?

Tembarom: napakalaking kumpanya po ng gma-7

Jolinian: oo nga po

Jolinian: pero ikaw yung bingay nila sakin na eadd?

Jolinian: taga gma 7 ka ba?

Jolinian: may alam ka ba kung sinu gaganap na darna?

Jolinian: may alam ka ba kung sinu gaganap na darna?

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Tembarom: di ko po alam. taga-news and public affairs po ako, hindi sa entertainment

Jolinian: a okie nakikita ba kita sa tv?

Jolinian: oo alam ko na

Jolinian: u dont nid to flood my screen

Tembarom: hindi po. taga-xerox lang po ako don

Jolinian: wahahahaha

Jolinian: ur kidding me ryt/

Tembarom: don’t ask the same question several times if u don’t want your IM flooded with the
same answer!

Jolinian: stop fooling around with those things

Jolinian: ur kinda funny

Jolinian: i only asked u twice

Tembarom: sorry i have to go na po

Jolinian: sino po ba tatanungin ko?

Jolinian: kaw ba yang nasa pics?

Jolinian: may itsura ka naman

Jolinian: pero baket taga xerox ka?

Tembarom: kasi po wala na akong mahanap na ibang trabaho. mahirap ang buhay ngayon

Jolinian: pakasal nalang tayo

Jolinian: joke!

Jolinian: : D

Tembarom: may asawa na po ako. at di ako pumapatol sa bading!

Jolinian: sinung bading?

Jolinian: d naman ako bading noh!

Jolinian: d naman ako yang nasa pics noh!

Jolinian: hinde ako bading noh!

Jolinian: girl na girl ako!!!!!!!

Jolinian: kaw nga mukhang bading e

Jolinian: =))

At ako pa ngayon ang mukhang bading? Aruy!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center