Note: This is a DigitalFilipino.com Club sponsored post for Honda.

Iniisip ko noon na — kahit type ko ang Honda Civic at nangangarap din akong makaupo sa isang BMW — na di ko kailangan ng kotse. Hindi ako masyadong intresado. Siguro dahil dati, kanggang hinihila lang ng kalabaw ang sinasakyan ko. Sapat na sa akin na medyo marunong akong magbisekleta. Ayoko sa motorsiko kasi masyadong delikado. At ang kotse naman, napakamahal — wala akong ibibili at makakadagdag pa ako sa polusyon.

Pero kalaunan, naisip ko rin ang bentahe ng may sasakyan. Kapag bumibiyahe kami pauwi kami sa probinsya, kadalasan ay di maginhawa. Kapag maraming tao dahil natapat na panahon ng pag-uwi mahirap makakuha ng masasakyang bus. Pag tinudyo ka ng pagkakataon, mayroon pang agawan sa upuan, siksikan at may maiingay na kapwa pasahero. Minsan may nakasakay akong nagpapatugtog ng radyo. Madalas, may maiingay na ring tone ng cellphone. O kaya ay mga nagkukuwentuhang parang kanila ang buong sasakyan. Bad trip di ba? Mas mahirap kung may kasama kang maliliit na bata. Mas okay kako kung may sariling sasakyan.

Ilang linggo na ang nakakalipas, nagkita kami ng dalawang kaibigan kong bloggers. Yung isa ay may dalang kotse. Sabi ko, sa Maynila na lang kami magliwaliw. Eh, nagyaya yung isa sa restawran nila sa Laguna. Siyempre nalayuan ako. Pero sa kakakuwento, di ko halos namalayang nakarating na kami. Pagkatapos noon, nag-Tagaytay naman kami. Nagulat naman ako sa bilis ng biyahe. Naisip ko tuloy, ansaya naman ng may kotse — basta may panggasolina ka, puwede kang pumunta saan mo man gusto.

Siguro nga, balang araw, magkakakotse rin ako. Gagayahin ko na lang si Leonardo DiCaprio — environment friendly ang sasakyan. Pero I’m sure di ko kakayanin ang kasingmahal ng mga dinadala niya, hehe.

Pero yun nga, nakikita ko na ang kahalagahan ng sariling awto. Noong minsan ngang nagtitingin ang kuya ko sa Internet ng mabibiling kotse, nakiusyuso na ako. Medyo naaliw nga ako nang malaman ko ang balitang ito: “Honda launches VCM 643.”

Kaya lang, may problema pa rin ako. Bukod sa walang pera, di pa rin ako marunong magmaneho!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center