Upang matakasan ang katotohanang kulang pa ang mga pangangailangang dapat ay ibinibigay ng iyong pamumuno, magtaray! Sa isang iglap, mabubura ang kakulangan, at ang iyong nasasakupa’y muling magiging “Enchanted Kingdom.”

Ganito ang ginawa ni Gloria kay Acting Department of Education Secretary Fe Hidalgo noong isang araw. Iniulat kasi ng pobreng ale na 6,832 silid-aralan pa ang kailangan ng bansa para matugunan ang kakulangan sa mga ito. Nagmarakulyo tuloy ang reyna at sinindak ang kalihim. Dahil dito, naging “a few” (iilan) na lang ang kulang na mga silid-aralan. Nang muling kausapin ng mga mamamahayag, sinabi ni Hidalgo na wala na raw classroom shortage.

Pero di sang-ayon si dating education undersecretary Juan Miguel Luz. Ika niya sa isang komentaryon inilathala ng Inside PCIJ, “There IS a serious shortage of classrooms nationwide that no amount of “manipulation of numbers” will do away with. And we better face up to this fact rather than try to wish that shortage away through economics or mathematics or whatever form of analysis there is in the highest office in the land.”

Nasa link na ito ang estadistka tungkol sa kakulangan ng mga silid-aralan mula sa DepEd, na gustong burahin ng majika ni Gloria.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center