Noong isang umaga, nang mananalangin na ako bago humimlay para mamahinga, sabi ko’y ipagdarasal ko ang mga biktima ng agresyon sa Iraq. Ngunit paano ko nga ba magagawang ilarawan sa aking isipan ang kanilang sitwasyon? Paano ko mararamdaman ang kanilang takot?
Inisip kong babagsakan na ng bomba ang kanilang mga tahanan. Ano kaya kung sa akin mangyari ito? At pagkatapos ay inisip kong ang mga bolang apoy ay babagsak sa mismong bubong ng aking tahanan. Masusunog ang aking munting bahay, magkakapira-piraso ang manipis kong katawan, at tatangayin ng hangin ang aandap-andap kong kaluluwa. Huwag naman po sana, Diyos na Mahabagin! Nangilabot ako, at sinimulan na ang pagdarasal. Pinatulog ako, hindi ng aking pangingilabot, kundi ng aking puyat.
May binabasa akong ulat ni Robert Fisk ng Independent : “There is something sick, obscene about these hospital visits. We bomb. They suffer. Then we turn up and take pictures of their wounded children,” isinulat niya.
Ngunit kung ito kaya ang matunghayan mo, ano ang mararamdaman mo? Paalaala, nakaririmarim ang mga larawan. Nasasaiyo na kung nais mong tingnan. Ang pahinang iyan at ang larawan sa entry na ito ay pag-aari ng Aljazeera.net.
Ang digmaang ito nina Bush at Blair, na sinusuportahan ni Macapagal-Arroyo, ay isang kahibangan.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



hello! thanks for dropping by my site. ang lalim ng Tagalog natin ha.. sana ganyan din ako!..
sana nga po matapos na ang giyera. wala namang katuturan yan e. nakita ko po yung picture sa front page ng inquirer noong lunes, may iraqi doon at bitbit ang anak niya. nasa harap sila ng bahay nula na nasira dahil sa bomba 🙁 hindi ko ma describe yung mukha niya. may halong lungkot at galit at kawawa naman yung bata 🙁
kaakibat mo ako sa pagdadasal na sana’y mahimasmasan ang nagdedeliryong si george at saddam… sana matigil na ang giyerang iyon sa gitnang silangan… sana…