No, I am not turning this blog into a Pinoy Big Brother blog. Ipinauubaya ko na lang ito sa ibang bloggers. Trip ko lang isulat ang naiisip ko sa mga napapanood ko.
Yung una, mabuti’t nakaligtas si Keanna sa nomination kagabi. Mas may pagkakataon siyang makalapit sa malaking premyo at magamit ito sa lalong pag-aayos sa kanyang buhay at pagtataguyod sa kanyang mga anak.
Ikalawa, sa tingin ko, parang foul yata yung ginagawa ni Zanjoe Marudo–yung lantaran niyang pagdiskarte kay Bianca Gonzalez. Oo’t may karapatan tayong ipahayag ang ating nararamdaman, naniniwala akong bilang tanda ng pagrespeto, hindi dapat pakialaman ang isang babaeng “in a relationship,” kumbaga sa Friendster. Kung ako siguro yung nasa kalagayan ng special someone ni Bianca na nasa labas ng bahay ni BB, (kahit paborito ko ang Bench na iminomodel ni Zanjoe) ay bumubula na ang bibig ko sa selos. Bagay pa namang loveteam sina Zanjoe at Bianca–parehong asteeg at tipong puwedeng ilaban nang sabayan kina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Hehehe.
Siya nga pala, sina Gretchen, Rico, John at Zanjoe ang nominado. Sana lang, pauwiin na ang makulit na walang sawang kumukulit sa iyakin.
Masyadong showbiz na ‘to. Pero eto pa:
Final judgment night na sa StarStruck. Ang bet ko dati, sina Vivo–pa’no, papet ako?–at Iwa Moto–kaanu-ano kaya siya ni Smokey Manaloto? Kaya lang, natanggal yung isa at may problema raw yata sa attitude nung isa. Habang isinusulat ito, wala pang resulta kung sino ang nanalo. Abangan ninyo na lang sa Kapuso Network bukas.
Update: Matapos mapiling male ultimate survivor, si Marky Cielo ang nanalong sole ultimate survivor, at si Jackie Rice ang naging ultimate female survivor.
Basta ang balita ko, may bagong show sina Rainier Castillo at Ethel Booba, at madalas nang lumabas sa TV ang kamag-anak kong si Andrew Wolff.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 21, 2022
Publishers bullish on APAC market, concerned about misinformation — SOPA report
"The News Sustainability: Investing in the Future of Asia-Pacific's…
June 24, 2022
Reporting the truth is not terrorism
NTC's order for ISPs to block the websites of independent media outfits sets a…
March 25, 2022
PressOne.PH to Launch ‘Truth Hour’
PressOne.PH, an independent news organization, will launch “Truth Hour” to…
haii… actually excited na ako sa teen edition. parang mas maraming mangyayaring mas controversial…
—
ano ka naman, e di hamak namang mas matino yung masthead mo kesa sa akin! 😀
hehehe pasimpleng plugging ng Jologs Guide ah at dapat ay may association pa kay Andrew Wolf. 😀