12:14 pm update: 173-32-1 ang final score. Read here for details.

Habang isinusulat ito, siguradong patuloy pa rin ang katayan sa House of Representatives. Kinakatay ng mga kinatawan ang reklamong impeachment laban kay Gloria Arroyo. Sayang, wala akong mapanood na live feed mula rito sa bahay.

Pero base sa updates na nabasa ko sa GMANews.tv at INQ7, mahigit 20 pa lang ang boto para sa impeachment, at 2/3 na ng may 168 congressmen and women ang nakapagpaliwanang ng kanilang boto.

Ang malinaw, malamang sa hindi, maibabasura ang impeachment complaint laban kay Arroyo. Walang epekto sa mga kinatawan ng bayan ang Hello Garci at Joke-joke Bolante Fertilizer Scam, pati na rin ang halos araw-araw na pagpatay sa mga aktibista.

Iisipin natin, bakit kaya ganoon? Huwag mo nang itanong sa akin. Ang sasabihin ko rin lang naman ay, “Maipambibili ba ng boto ang prinsipyo?”

By the way, nag-liveblogging sina RG Cruz, na gising pa matapos ang mahigit 18 oras ng coverage, at Manolo Quezon, na tumigil na muna sa pagbibigay ng live updates sa kanyang blog.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center