Matapos ibaba ng Korte Suprema ang desisyong pumapabor sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalibing na sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo at yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, kaniya-kaniyang post ng mga reaksiyon sa Twitter ang mga Pinoy.
Nanawagan ang pamilya ni Marcos na mag-move on at magkaisa na ang bansa. Pero may mga nagsasabi namang paano tayo makakausad kung hindi naman sila humihingi ng tawad. ‘Ika nga, there can be no reconciliation without justice.
Dahil dito, kaniya-kaniyang hugot ang ilang tweep tungkol sa pagmo-move on at paglilibing kay Marcos. Narito ang ilan sa pinakanakakaaliw na hugot tweets.
Move on na lang? Please naman, wag mong ilevel ang kasaysayan sa dyowa mong ipinagpalit ka sa iba! #NeverAgain
— Edgar Calabia Samar (@ecsamar) November 8, 2016
Move on? Kahit nga mga ex, nagbabalikan ng mga gamit para maka-move on. Ano kaya p'wede nila ibalik? Pera? Buhay? Panahon? #MarcosNoHero
— Jonna Baldres (@jonnabaldres) November 8, 2016
Sige payag ako. Libing na natin. Pero lakihan nyo ang hukay dahil buong angkan isasama na namin. #neveragain #MarcosNOTaHero
— Sansan Borja (@san2borja) November 8, 2016
Revised Philippine English dictionaries:
— Karl Rex Villaruel (@karlosaurus_rex) November 8, 2016
hero: n., dictator#NeverAgain
Sa traffic lang sa EDSA magandang marinig ang MOVE ON, hindi sa isyu ng hustisya. #MarcosNoHero
— Aaron H. Ceradoy (@aaronhk77) November 8, 2016
May ilan naman na hindi nagpatawa — seryoso ang banat at mapapaisip ka:
Them: Patayin ang mga kriminal! OBOSEN!
— 𝔹𝕃𝕂𝔻 (@imBLKD) November 9, 2016
Also them: Si Marcos, magnanakaw at berdugo? MOVE ON!
#MarcosNOHero #MarcosBurial pic.twitter.com/tUJadNfWsr
— ᜃ᜔ᜑᜆ᜔ (@chat_dimaano) November 8, 2016
May mga nagpaalaala rin kung bakit muling nabuhay ang usaping ito. Sa huli, para sa mga nagtataguyod ng kasaysayan, narito ang isang payo:
I'm calling on to people who knows the facts about the Marcoses to start educating people. #marcosnohero #ripjustice #riphistory #ripfacts
— Poor Mack (@jxpmack) November 8, 2016

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…