Kaninang umaga, binulaga ang bansa ng isang nakagugulantang na bata. Dalawang lalaking armado ng uzi at granada ang nang-hostage ng 32 batang daycare students sa isang bus. Ang demand ng pangunahing hostage-taker na Jun Ducat: libreng edukasyon para sa mga estudyante ng kanyang Musmos Daycare Center.

Magandang hangarin, magandang hiling. Pero sana, lumapit na lang siya sa Wish Ko Lang o sa Foundation for Worldwide People Power. Yung problema naman sa pabahay, bakit di na lang niya inilapit sa Gawad Kalinga? O kung ‘di man sa mga pinagpipitaganang organisasyong ito, kahit kay Prospero Pichay–dahil pangarap niyang tuparin natin.

Andaming gustong ipahatid sa bayan ni G. Ducat. Kapag nalagpasan niya ito, maaari na siyang maging komentarista sa radyo.

Samantala, sa gitna ng krisis, siyempre’y di tayo mawawalan ng
dahilang bumungisngis. Nang makapasok si Senador Bong Revilla sa bus, nakapagsalita sa ere si G. Ducat. Habang nagkokomentaryo siya sa ere, biglang humirit ang isang batang hostage: “Anong oras ka matatapos?”

At siyempre sa mga ganyang sitwasyon, may mga bumabangka. May mga taga-mediang nakipag-usap sa hostage-taker–kahit ‘di dapat. At mawawala ba ang mga pulitiko lalo na’t malapit na ang eleksyon? Naroon si Senador Bong na unang nakipagnegosasyon dahil kumpare niya si G. Ducat. Dumating din sina Senador Alfredo Lim at Mayor Lito Atienza. Pero ang diskarte ni Bong, nasira nang umeksena si Chavit Singson. Paano ba naman, nang matapos ang drama, itong huli ang nasa tabi ng pangunahing karakter.

Sa pagkalat ng dilim, natapos din ang hostage drama. Mabuti na lang, walang nasaktan sa mga bata at sa mga nang-hostage sa kanila.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center