Dalawa ang binabasa ko ngayon kapag nasa biyahe o bago matulog. Ang isa ay nasa Palm ni Mhay, ang e-book ng Harry Potter and the Goblet of Fire ni J.K. Rowling, at ang isa naman ay totoong aklat, ang Immortality ni Milan Kundera.

Mukhang mas mabilis kong matatapos ang ikaapat na aklat ng Harry Potter. Aliw na aliw ako at di ko namamalayan ang oras pag hawak ko ang Palm. (Nakakahiya nga kasi nauubos ko lagi ang battery. Na-drain nga kanina, eh.) Asteeg kasi naman ang pagkukuwento ni J.K. Rowling. Laging nakakasabik ang mga susunod na pangyayari. Laging may sorpresa. Habang nasasabik o natatakot ka, lagi ka ring mangingiti o matatawa sa kalokohan nina Harry, Ron at Hermione.

Kuwento ko later yung Immortality. Alis na kami, eh.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center