Galing sa Friendster bulletin board:
Para sa mga kaibigang manunulat, artista, at mamamahayag
Ang Free Jonas Burgos Movement po ay magpapalaganap ng Writers and Artists commitment/petition paper para sa kagyat na paglilitaw kay Jonas Burgos, anak ng press freedom hero na si Joe Burgos, at pagkondina sa enforced disappearances (199 cases since 2001, ika-16 si Jonas sa kasalukuyang taon) at political killings (860 cases since 2001).
Hinihingi po namin ang inyong commitment sa pamamagitan ng inyong mga pirma. Kung maaari, paki-forward po ang inyong e-mail address na may kalakip ng inyong buong pangalan at inyong title bilang manunulat at artista sa freejonasburgosmovement@yahoo.com.
Pakikipasa po sa ibang mga manunulat at artista.
Maraming salamat po.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
d ko na alam paano at saan ko sisisimulan ang bahaging ito ng kwento ng kabuuan ng pagkatao ko… handa ako sa posibilidad na mangyari sakin/ sa pamilya namin ang mga kwentong katulad ng kay jonas burgos at sa marami pang iba…..
handa ako pero hindi pala… hindi ko pala kaya at hinding hindi ako magiging handa….
masakit yung alam mo kung anong nangyari sa kanya, alam mo sino mga may kasalanan.. kung sino sinong may kinalaman sa sapilitan niyang pagkawala….pero wala kang magawa…wala kang magawa kc nasa kapangyarihan sila…. sila kc yung mga inatasang magtanggol sa karapatan ng bawat mamamayan…. sila na mga kagalang galang na NI WALA NAMANG PAGGALANG sa ultimong karapatan ng indibidwal….
Kasabay ng patuloy kong paghahanap sa isang mahalagang bahagi ng buhay ko ay ang patuloy na pagkamulat ng aking mga mata sa karahasang bumabalot sa kasalukuyan……….
Nasan ka na nga ba……………..
dati, nanunuod lang ako ng tv o nagbabasa ng dyaryo para makasagap ng mga balita. iyong simpleng nanunuod ka lang o nakikinig ng mga samo’t-saring kwento
eh mabigat na sa dibdib. paano pa kaya kung ikaw mismo ang mawalan. ang mas mahirap ay nawalan ka na ,ikaw pa ang tinatakot at pinagbabataan. paano ka makakakuha ngn katarungan kung sikil na sikil na ang karapatan bilang isang tao. bakit ko sinasabi ito? ewan ko di ko rin alam. basta alam bata pa lang ako may kulang na sa akin. yun lang po. sana makitya na ninyo ang hinahanap ninyo pati narin yung sa akin. SALAMAT!
mahirap ang maging isang tao na maraming nalalaman sa pagkawala ng isang simpleng tao na ang tanging hangad ay ang nakabubuti para sa karamihan. gustuhin ko man na tumulong sa inyong layunin na magkaroon ng impormasyon, manganganib naman ang buhay ng isang tao na malapit sa akin. tulad nyo, kinuha rin nila ang isang parte ng buhay ko.
Free Jonas Burgos!
Nolan Ariola
Former Student Leader & Radio/TV Reporter
Sorsogon City