Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nilangaw!

Ganyan ang headline ng balita sa radyo kanina tungkol sa ika-17 anibersaryo ng pag-aalsang nagpatalsik sa diktaturyang Marcos.

Paano’y naging sila-sila style ang selebrasyon, ibig sabihin ‘yung mga elite na “key players” sa EDSA 1 ang naroon. May mga militanteng gustong magpahayag ng mga hinaing, pero gaya ng dati, hinarang ang mga pobre. Samantala, deadma lang ang karaniwang Pilipino.

Paano ba namang makakaisip ka ng ng anibersaryo ng People Power 1 ganyang nakaamba ang digmaang sinusuportahan ng Presidente mo sa labas nitong Pugad ng Luha at Dalita, samantalang rumaragasa ang karahasan sa Katimugan ng bansa? Magdiriwang ka pa ba ng paglaya kung ganyang nagbabata ang pagdating ng mga bata-batalyong mandirigmang yayasak sa iyong soberanya habang tayo’y lalong napupunta sa Kuko ng AGILE, este, ng Agila? Maiisip mo pa ba ang EDSA 1 kung gutom ka na?