Marian Rivera as Darna (GMA Photo)
Marian Rivera as Darna (GMA Photo)

Simula ngayong gabi, muli na namang lilipad si Darna — ang Filipina superhero na tagapagtaguyod ng kapayapaan at katarungan at kalaban ng kasamaan.

Pareho kong paborito ang dalawang lead star sa bagong Darna ng GMA-7: si Marian Rivera bilang Narda/Darna, at si Mark Anthony Fernandez bilang Eduardo, ang katipan ni Narda. Unang pagtatambal nila ito.

Si Marian, na unang nakilala at minahal ng mga manonood bilang Mari Mar, ang siya ring gumanap bilang Dyesebel, isa pang obra ng dakilang nobelista sa komiks na si Mars Ravelo (na mas karapatdapat maunang maging national artist). Sidekick ni Marian sa Dyesebel ang batang si Robert “Buboy” Villar, na siya namang gaganap ngayon bilang Ding.

Mark Anthony Fernandez as Eduardo (GMA Photo)
Mark Anthony Fernandez as Eduardo (GMA Photo)

Si Mark naman, na dating miyembro ng Gwapings noong panahon ng aming maagang kabataan, ay naging leading man sa mga telenovela at telefantasya ng Kapuso Network. Napanood na natin ang mahusay niyang pagganap sa Impostora, Ako si Kim Sam Soon, All About Eve, at Luna Mystika.

Sa bagong Darna, matutunghayan ang kuwento ni Narda, isang maganda ngunit pilay na dalagang lumaki sa bahay-ampunan. Doon ay magkakaibigan sila ng kababatang si Eduardo, na magugustuhan din ni Valentina, ang kaibigan ni Narda.

Magbabago ang simpleng buhay ni Narda kapag nalaman niyang tagapagmana siya ng isang mahiwagang batong magbibigay sa kanya ng kakaibang kapangyarihan.

Ngunit tinanggihan ng dalagang nasawi sa pag-ibig kay Eduardo ang nakaatang na tungkuling maging bagong Darna. Sa paniniwala kasi niya, hindi ito makakayanan ng isang simple at may kapansanang babaeng tulad niya. Kasabay ng kanyang pagtanggi ang pagdating ng mga kampon na kasamaan sa kanyang bayan. Dahil dito, magpapaubaya si Narda at yayakapin na ang kanyang kapalaran bilang bagong Darna.

Si Darna at ang kanyang mga kalaban (GMA Photo)
Si Darna at ang kanyang mga kalaban (GMA Photo)

Para sa iba pang official photos mula sa GMA-7 (Salamat, Jhops!), bisitahin ang Hallyudorama.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center