“CHISWISANG BAKLUSH”
(USAPANG BAKLA!)
I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-6 ng Agosto, 2007

Carmi Martin, Manilyn Reynes, Jolina Magdangal …

Mga sikat na artista? Hindi lang! Dahil si Carmi, Manilyn at Jolina, ay naging bahagi na ng usaping bakla!

Mapa-telebisyon o karaniwang usapan, tila patok na patok ngayon ang “swardspeak” o salitang bakla sa mga ordinaryong Pilipino.

Ngayong Lunes, “chochorvahin” (pakikinggan) ni Sandra Aguinaldo ang mga usapan ng mga bading para “learningin” (alamin) kung bakit lumalaki ang impluwensya ng mga salitang bakla sa ating wika.

Isang grupo ng mga parlorista sa Caloocan at mga stand-up comedians sa Quezon City ang pagsasamahin ng I-Witness para tignan kung paano binubuo ng mga bakla ang kanilang salita. Para sa kanila, ang “swardspeak” ay paraan ng mga bading upang maipahayag ang kanilang kalayaan mula sa diskriminasyon ng lipunan

Patunay raw sa pagiging “in” ng wikang bading ang pagkakapanalo ng Ikatlong Gantimpala ng mga salitang “chika” at “tsugi” bilang “Word of the Year” sa 2004 Sawikaan ng UP College of Arts and Letters.

At akalain niyo bang may mga salitang bading na isasali na sa ikalawang edisyon ng UP Dictionary?

“Learningin ang lenguang dingerszie” (Pag-aralan ang swardspeak) kasama si Sandra Aguinaldo sa nakaaaliw na dokumentaryong “Chiswisang Baklush (Usapang Bakala!)” sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts