Limang barangay mula sa Quezon City, Bulacan, Cebu, Cavite, at CDO ang hinatiran ng Brgy S2S at Surf2Sawa ng walang-sawang saya, palaro, papremyo, at mas pinabilis na prepaid fiber internet noong isang taon. Ngayong 2025, mas pinalawak at mas pinasaya ang BRGY S2S na unang susugod sa Novaliches, Quezon City. 

Sa darating na Sabado, April 5, 2025, muling maghahatid ng saya, laro, at papremyo ang Surf2Sawa at Converge sa Marcel Village Covered Court, Emerald Street, 91 Marcel Village, Novaliches, Quezon City mula 7 a.m. hanggang 6 p.m.

Ang Surf2Sawa ay isang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Sa halagang P4 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices), makakakuha na ng internet na may bilis na hanggang 50 Mbps. Dahil prepaid ang Surf2Sawa, makakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan: mula P50 load para sa 1-day service hanggang P700 para sa 30-day unlimited connectivity. 

Inilunsad din ng S2S ang ExtraBoost, ang pinakabagong top-up option para sa mga Surf2Sawa subscribers na kailangang dagdagan ang bilis ng kanilang internet sa oras na pinakakailangan nila. Para sa exam week sa eskuwela, deadlines sa online racket, o family weekends ng tuloy-tuloy na streaming, siguradong may dagdag bilis sa internet na hatid sa inyo. 

Sa halagang P180, makakakuha na ang customer ng unlimited internet sa loob nang 3 araw, at kung mas matagal na boost pa ang kailangan, may 15-day option sa halagang P550, na may bilis na hanggang 100 Mbps! Mas pinabilis, mas pinasulit — kaya kung kailangan ng extra speed, ExtraBoost na! 

Nanatiling pinakamalaking populasyon sa Metro Manila ang Quezon City, na bumubuo ng 22.80% o halos one-fourth ng populasyon ng rehiyon. Bukod dito, nangunguna rin ito sa 33 highly urbanized cities sa buong bansa, isang patunay ng patuloy nitong pag-unlad. Dahil dito, ipinagmamalaki ng Surf2Sawa na maihatid sa Quezon City ang mura, maaasahan, at mabilis na prepaid fiber internet! 

Siyempre, hindi magiging kumpleto ang BRGY S2S nang wala ang S2S Fiberkads! Nagbabalik sina Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen, upang maghatid ng saya sa pamamagitan ng nakakapanabik na activities tulad ng Zumba2Sawa, banda mosiko, at ang pinakaaabangang Dance2Sawa competition! Bukod pa rito ay mayroon ding special dance numbers at Sugod Barangay segment, kung saan tatlong masuwerteng pamilya ang magwawagi ng isang taon na libreng internet, kasama ang iba pang papremyo mula sa Surf2Sawa. 

Hindi rin mawawala ang libreng food carts at pampering services tulad ng libreng gupit at masahe. Bukod dito, ang mga residenteng mag-subscribe sa Surf2Sawa sa mismong araw ng event ay agad ding makakabitan ng linya, hatid ng Instant Connect promo ng BRGY S2S! 

Ang Surf2Sawa ay hindi lang isang prepaid internet service — ito ay isang inisyatibang naglalayong gawing mabilis at abot-kaya ang internet para sa bawat Pilipino. Sa walang kontrata, unlimited, at budget-friendly na internet, mas mapapadali ang edukasyon, trabaho, at pang-araw-araw na digital na pangangailangan ng bawat pamilyang Filipino.

Ayon kay Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal, Head ng Consumer Marketing ng Converge, “Sa panahon ngayon, ang internet ay hindi na lamang simpleng luho kundi isa na ring pangunahing pangangailangan na kasing halaga ng tubig, koryente, at pagkain. Sa pamamagitan ng Surf2Sawa at BRGY S2S, patuloy naming isusulong ang misyon na dalhin ang abot-kaya at mabilis na internet sa bawat barangay sa Pilipinas.” 

Ayon kay Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge, ang BRGY S2S ay patuloy na magsisilbing tulay para sa mga kababayan nating walang access sa internet o nahihirapan dahil sa mataas na presyo at kumplikadong proseso ng ibang internet plans.

“Mahalaga sa amin na maibigay ang serbisyong ito sa mga pamilyang nangangailangan — dahil naniniwala kami na ang internet ay para sa lahat. Sa tulong ng Surf2Sawa, mas maraming tahanan ang magkakaroon ng abot-kaya, mabilis, at maaasahang koneksyon. At ngayong 2025, mas malawak, mas malakas, at mas marami pang barangay ang mararating ng BRGY S2S! Dahil ang S2S ang abot-kayang internet ng bayan — laging handa, anumang oras kailangan!”