Simula noong isang araw, June 19, 2023, ipinatupad na ang ban sa industrially produced trans fatty acids o trans fat sa pre-packaged at processed foods sa Pilipinas.
Ang Department of Health (DOH) Administrative Order 2021-0039 at ang Food and Drug Administration (FDA) Circular 2021-028 at 2021-028A ang mga batayan ng pagbabawal na ito. Binigyan ng DOH at FDA ang food manufacturers ng hanggang June 18, 2023 para i-reformulate at mga produkto nila. Noong Lunes, nag-take effect na ang ban. Ipinatatanggal na sa kanila ang trans fat. Kung hindi susunod, puwede silang maparusahan.
Mataas ang trans fat sa produktong gaya ng margarine at coffee creamer. Matatagpuan din ito sa baked goods gaya ng donuts at cookies. Pinapababa ng trans fat ang good cholesterol at pinatataas naman ang bad cholesterol. Posible itong magdulot ng stroke, atake sa puso, at diabetes.
Bantay Kontra Trans Fat sa Pilipinas inilunsad
![Ipinagdiwang ng health advocates ang pagsisimula ng trans fat ban sa Pilipinas.](https://ederic.net/wp-content/uploads/2023/06/imaginelaw_toxic-trans-fat-600x400.jpg)
Ipinagdiwang naman ng health advocates ang pagsisimula ng trans fat ban sa Pilipinas.
“Today is a cause for celebration for Pinoy heart health,” ani Dr. Luigi Segundo ng Philippine Heart Association (PHA) sa isang press conference sa Quezon City noong Lunes.
“This ban on trans fats will help improve health outcomes for Filipinos and protect consumers from the dangers of trans fats,” dagdag pa niya.
Sakit sa puso ang top killer ng mga Pilipino, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa parehong press conference, inilunsad naman ng isang grupo ng mga abogado, doktor, nutritionists, at mga mamimili ang Bantay Kontra Trans Fat. Layunin nitong isulong ang pagsunod ng food manufacturers sa trans fat ban sa Pilipinas. Sinusuportahan din nito ang mga programa ng DOH at FDA para tanggalin ang trans fat sa pagkain ng mga Pilipino.
“We have to remain vigilant, empower consumers, and foster compliance,” ayon naman kay Atty. Sophia San Luis ng public interest group na ImagineLaw.
“We will conduct a nationwide literacy campaign in reading packages and labels of food products and educate consumers on the dangers of other sources of trans fats,” dagdag pa niya.
Inilunsad din ng grupo ang Trans Fat Free Philippines Facebook page bilang messenger hotline para sa publiko. Makukuha rito ang mga impormasyon tungkol sa trans fat. Puwede ring magreport ng posibleng paglabag sa trans fat ban.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kampanya laban sa trans fat, pumunta sa transfatfreephilippines.org.
![](https://ederic.net/wp-content/litespeed/avatar/565b440d4e4a7f361570eebce1ac5a1c.jpg?ver=1737056984)
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 27, 2023
New coalition formed to fight heart disease across Asia
The Asia-Pacific Cardiovascular Disease Alliance will tackle heart disease in…
June 8, 2023
UNICEF, Angeles City unveil mural on safe roads for children
The mural advocating children's safety on the road is in Gueco Balibago…
June 5, 2023
Groups laud LGUs’ World No Tobacco Day 2023 campaign
SWP and AKTIB hailed LGUs for their World No Tobacco Day 2023 activities.