6:20 a.m. Nasa tricycle na ako papunta sa bayan (Sta. Cruz poblacion). Mula sa bayan, sasakay ako sa van na biyaheng Balanacan Port.
6:32 a.m. Dumaan muna ako sandali sa simbahan. Hindi pa nagsisimula ang susunod na Misa, pero may mga tao na.
6:38 a.m. Nasa van na ako at naghihintay na mapuno ito ng iba pang pasahero.
Nakaparada ang van sa tapat ng gusali ng Santa Cruz South District Office ng Department of Education. May ATM ng Landbank diyan. Makikita sa larawan na sa bakod ng compound ay may tarp ng Master Chuzzy Food Haus, isang fastfood resto rito sa bayan.
Sa gawing kaliwa ay naroon ang gusaling kinalalagyan dati ng tindahang binibilhan namin noon ng Mama ko ng mga bagong komiks. Wala na ang lumang tindahang ‘yun, at dalawang magkaiba na ang nasa puwesto.
Sa likod naman, sa gawing kanan, makikita ang munisipyo at plaza ng Sta. Cruz. May branch at ATM diyan ang PNB. May ATM din ang RCBC.
7:03 a.m. Papunta na sa Balanacan ang van. Umaambon at makulimlim. Sana’y maabutan namin ang 8:00 a.m. na ferry.
8:02 a.m. Nasa MV Maria Rebecca na ako. 8:00 a.m. Ang listed schedule ng pag-alis nito at 10:30 ang expected time of arrival sa Port of Lucena.
Ganito ang hitsura nito sa loob:
Mahina ang signal kaya ‘di ma-update itong post.
8:12 a.m. Nagsisimula nang gumalaw ang barko.
10:14 a.m. Kakagising ko lang. Nasa dagat pa kami, pero medyo malapit na sa daungan. Kumain ako ng noodles at uminom ng C2, tapos nakatulog ako.
10:36 a.m. Nagsipagtayuan at bumaba na patungo sa unang palapag ang ilang pasahero. Gusto nilang maunang makababa para maunang makasakay sa bus. Susunod na rin ako maya-maya.
10:46 a.m. Mga ilang minuto na akong kasama sa mga nakatayo’t naghihintay na makadaong ang bapor para makababa na kami.
Nakasakay sa mga bangka, lumapit sila sa barko para humingi ng barya sa mga pasahero.
11:04 a.m. Nasa JAC Liner bus na ako. Bumibiyahe na kami papunta sa Kamias.
11:34 a.m. May mga sampung minuto na kami rito sa Fiesta Meal Stop. Bumaba at kumain ang ibang pasahero.
Hindi na ako kumain — sa Jollibee na lang ako kakain pagdating sa Kamias — pero bumaba ako at nag-CR. Ito ‘yung palikuran na payapa’t luntian ang matatanaw mo sa labas habang jumijingle ka.
11:53 a.m. Tapos na ang stopover. Biyahe na ulit.
12:07 p.m. Sariaya. May mga umaakyat sa bus na nagtitinda ng mga kakanin at pasalubong. Tip: Kung hindi ka intresadong bumili, huwag mong titingnan ang mga nagtitinda o ang mga inilalako nila.
1:14 p.m. Nasa San Pablo area pa lang ang bus. May katabi na ako hanggang Turbina.
1:32 p.m. San Pablo City. Tapos na ang “Maleficent” sa TV ng bus. Try ko munang matulog.
2:26 p.m. Sto. Tomas, Batangas. Medyo malapit-lapit na. Naaaliw sa “Romeo + Juliet” sa Veer ko.
3:25 p.m. Hello, EDSA! 🙂
3:32 p.m. Hello, EDSA traffic pala!
3:58 p.m. Back at JAC Liner bus terminal!
4:03 p.m. Jollibee na!

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 7, 2025
Ascott adds pet-friendly stays at lyf one-north SG
Guests’ furry companions are welcome.
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.