Bumibiyahe ako papuntang Marinduque ngayon para sa binyag ng panganay ng pinsan at kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Jay. Ito na rin ang pagkakataon kong dalawin si Nanay bago mag-Pasko dahil ‘di ako makakauwi ngayong taon.
Pero lilinawin ko lang na ‘di ako nagrereklamo na magtatrabaho ako nang Pasko kasi ginusto ko ito. Pinili ko ito. Noong tinanggap ko ang trabahong ito, alam ko ang pinasok ko. Alam kong ang mga sakripisyong ganito, bahagi ng buhay sa media na niyakap ko.
So ‘yun. Dahil sa nitong mga nakalipas na araw ay liveblogging at social media aggregation ang inasikaso ko sa office para sa coverage namin ng Bagyong Ruby, naisip kong i-liveblog din ang biyahe ko. Ia-update ko ang entry na ito hangga’t nakikisama ang baterya at Internet signal ng aking smartphone.
1:15 a.m. Halos sampung minuto na ang nakalilipas mula nang dumating ako rito sa Bus station ng Jac Liner sa Kamuning. Naglakad at nag-jeep lang ako galing sa bahay. Sa jeep, P8 na lang ang ibinayad ko dahil P7.50 na lang ang minimum ngayon. Siyempre, hindi na ako sinuklian. Noong tumatawid ako sa Kamias Road, may isang kotse na nag-beat ng red light. Nasa Kamaynilaan pa nga ako.
1:28 a.m. Mabisyo itong WordPress for iOS ko. Ayaw ma-publish ang entry noong naka-WiFi lang ako. Nag-error. Nag-search ako ng solution online, at gumana nga noong mobile data ang gamitin ko. O baka naman dahil ito sa “LTE” ko.
Anyway, ‘di pa umaalis ang bus. Bumaba muna ako at nag-CR, pagkatapos ay bumili ng Piattos at C2. Kain tayo!
1:33 a.m. Uy, gumana na sa WiFi. Parang gumalaw ‘yung bus. Akala ko, aalis na. May mga sumakay lang pala.
1:55 a.m. Yehey! Umaalis na itong bus.
Nag-check ako ng Twitter at Facebook at ipinost ko ang link dito sa entry na ito. Sumagot din ako sa messages nina Papa Dan, Vencer, at Carlos. Nag-text din si Myla. Nagbigay na rin ng tiket ang konduktor at kinuha ang P500 ko. Mamaya pa ang barya.
2:02 a.m. Nasa EDSA na kami. Ubos ko na ‘yung Piattos. Malapit na rin ‘yung C2. Busog na naman.
Nagtitiket na sa lahat ng pasahero ‘yung konduktor. May WiFi pala itong bus. Itinanong ko ang password, pero ‘di ko naintindihan. Ginawa ko na lang na 3G ang WiFi ko para stable ang signal.
Medley na oldies ang music ngayon.
2:15 a.m. Ayun, sinuklian na ako. Ang pamasahe pala mula Kamias pa-Dalahican ay P237.50 na.
Alam ko na ang password ng WiFi sa bus kaya pinatay ko muna ang modem ko.
2:29 a.m. Nasa South Luzon Expressway na kami. Dim lights na sa bus, pero may oldies music pa rin — obladi-Oblada — saka may isang pasaherong medyo maingay dahil nagtetelebabad. Feeling ko, aantukin na ako maya-maya.
2:44 a.m. Mag-a-alas-tres na, tuloy-tuloy pa rin ang chika. ‘Di pa rin tumitigil si Koya.
2:57 p.m. Nagpapatuloy pa rin ang phone conversation. In fairness, mahina naman ang boses niya. Samantala, may mga ibang weird sound akong naririnig sa paligid. Feeling ko, may naghihilik.
Naka-3G mode ulit ang phone ko kasi humihina ang signal ng WiFi. Samantala, 29% na lang ang battery ko. Charge mode muna.
3:05 a.m. Turbina. Nag-announce ang driver na puwedeng bumaba at mag-CR. Walang bumaba. May umakyat na nagtitinda ng buko pie. Walang pumansin. Lumakad ulit agad ang bus.
Chumichika pa rin si Manong, habang “Don’t Cry, Joni” na ang tugtog.
Lobat na ako, pero ‘di pa nagcha-charge.
3:14 a.m. Tumugtog ang “One Way Ticket.” Ito yata ‘yung paboritong kantahin ng pinsan ni Mama na Ate si Marilyn, na makikita ko mamaya.
Medyo mas nagiging animated ang pakikipagkuwentuhan ng manong sa likod. Irritating na. Sana may respeto sa kapwa pasahero, ‘di ba? Sana nag-Viber chat na lang sila. Ako nga, nagkukuwento rin, pero ‘di nag-iingay.
3:29 a.m. Wala pa ring tigil sa kakadaldal ‘yung isang pasahero. Hindi talaga siya nahihiya kahit sinisilip ko na. Humahalakhak at kumakanta pa. Ayoko nang magsulat tungkol sa kanya. Bad vibes na, eh.
Alaminos, Laguna pa lang. Try ko munang matulog.
5:00 a.m. Lucena Grand Terminal. ‘Di ko alam kung nakatulog ako, pero ‘yung mamang maingay, tahimik na. Nakatulog. Hehe.
Hindi ko pala alam kung may masasakyan pa akong barko pa-Marinduque nang ganitong oras.
Christmas songs na ang pinapatugtog sa bus.
5:05 a.m. Umaandar na ulit ang bus. Bago ito umalis, nagising ‘yung mamang maingay, tapos bumaba. He he he.
Ako na lang yata ang natirang pasahero.
5:31 a.m. Ligtas akong nakarating dito sa Dalahican Port sa Lucena. Kaya lang, pagdating ko, sarado na ang terminal at ang tindahan ng mga tiket. Alas-diyes pa raw ang alis ng susunod na barko.
Lumiliwanag na.
5:48 a.m. Hindi na ako nag-iisa sa terminal. Kani-kanina ay ilang pasaherong dumating. Matagal-tagal pa ang hihintayin namin. Magbabasa muna ako. Mamaya, umaatikabong tulugan ito sa bahay.
6:00 a.m. Wala pa ngang LTE signal dito sa Dalahican Port (o Port of Lucena) ang network ko. Pero may ganitong view naman:
6:14 a.m. Tuluyan nang sumikat ang araw. Pinupuno nito ng madilaw na liwanag ang paligid.
6:29 a.m. Gusto ko ‘yung kanina pa tumutugtog sa labas — ‘yung “Iris” na theme song ng pelikulang “City of Angels.” Pero ‘di ko gusto ang ginagawa nitong isang babae. Para siyang ‘yung manong sa bus kanina.
6:59 a.m. Mga tatlong oras na lang, bibiyahe na ulit ako. Tiyagaan lang talaga ang buhay. Dapat, marunong kang maghintay.
7:20 a.m. Bukas na ang ticket booths. ‘Yung fast craft na aalis ng 10 a.m. ang sasakyan ko. Ang pamasahe na promo fare ay P312. Nagbayad din ako ng P30 na terminal fee.
7:53 a.m. Naalala ko noong unang beses na makita ko ang X-ray machine rito. Sosyal naman kako. Mga ilang taon na rin ‘yun. Out of order na ito ngayon.
8:50 a.m. Nagkakape.
May nag-on kanina ng TV rito sa terminal. Nanonood ngayon ‘yung mga nagtatrabaho rito at ilang pasahero. Mga eksena sa basketball ang ipinakikita. Tawa nang tawa ang mga nanonood.
9:00 a.m. Isang oras na lang! 🙂
9:23 a.m. ‘Di naman ako lumipat ng building, pero sobrang bagal na ng Internet connection ko. Mamaya na lang ulit.
9:36 a.m. Nakasakay na ako sa M/V City of Dapitan ng Montenegro Lines. A few minutes ago, tinawag na ang mga pasahero ng fast craft. Binilisan ko ang pagpunta sa barko. Bale pangatlo ako sa mga pasaherong pumasok.
10:02 a.m. Ang schedule, 10 a.m. Pero siyempre, Filipino time. Siguro aalis ito pagkatapos ng mga ilang minuto pa.
Natuwa naman ako nang makita kong may seat numbers na. Dati, labo-labo na pagsakay sa barko. Improving, di ‘ba?
Tapos, GMA-7 pa ang palabas sa TV nila. 🙂
10:06 a.m. Umaandar na ang makina ng barko. Mukhang aalis na kami.
May taga-Coast Guard na pumasok kanina at nag-video.
10:07 a.m. Nagsimula na ang biyahe ng ferry!
11:42 a.m. Nasa Balanacan Port na kami!
Ito ang Our Lady of Biglang Awa, ang patron ng lalawigan ng Marinduque.
11:29 a.m. Malapit na kami sa Balanacan. Kita na ang mga isla. 🙂
11:51 a.m. Nakasakay na ako sa van papuntang Sta. Cruz. Biyahe na ulit.
12:47 p.m. Now in Sta. Cruz poblacion. May ilang daraanan lang, tapos sasakay na ako sa tricycle papuntang Ipil.
1:44 p.m. Ang simbahan ng Parokya ng Banal na Krus (Holy Cross Parish):
1:51 p.m. Tricycle na pa-Ipil. Tama na muna. Baka malaglag ang phone ko kapag nalubak kami. Hehe.
2:19 p.m. Home sweet home! Kuwentuhan muna kami ni Nanay. 🙂
Salamat sa pagbabasa!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board partner to promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.
May 30, 2024
Catch the magic of World of Frozen on Disney+
Two World of Frozen titles coming on June 7.
May 9, 2024
Special offers await Manila Hotel guests this May
Check out The Manila Hotel's Mother's Day deals.