Sabi ko kay Aileen kahapon, baka mas bagay ang “Bahala na” sa halip na “Sinusuwerte ako” sa pangalawang button sa Google Pilipinas homepage.
Ganito ang paliwanag ng Google tungkol sa “I’m Feeling Lucky”:
Google has a function, “I’m Feeling Lucky” that presents a particular translation challenge. The function takes the user immediately to the first result for a search — so, a user selects “I’m Feeling Lucky” when they are willing to take a chance that Google’s first result will be what they are looking for. The phrase in English has a specific tone — daring, confident, and playful. This has been a hard phrase for people to translate. If you can’t come up with a way to translate this phrase while preserving its tone just leave it in English.
Bagamat medyo may tila kaugnayan sa pananampalataya ang sinasabing pinag-ugatan ng “bahala na”–i.e., Bathala na, o pagpapaubaya sa Diyos–ang kahulugan nito sa kasalukuyang panahon ay lumawak na upang maisama ang pagpapaubaya ng mga Pinoy sa tinatawag sa suwerte. Kaya halimbawa, sobrang gusto mong tumaya sa sa lotto, sasabihin mo, “Tataya talaga ako. Bahala na. Malay mo, manalo.”
Sa paghahanap ng pahina sa Google, parang pakikipagsapalaran ang pagpindot sa “I’m feeling lucky.” Kahit di ka siguro sa kakalabasan, pipindutin mo pa rin. You’re willing to take the chance. Malay mo, baka sakaling mapunta ka sa hinahanap mo. Baka suwertehin ka. Bahala na, di ba?
Kaugnay nito, iminungkahi ko rin dati na gamitin ang “isubi” kung hindi natin masyadong gusto ang i-save sa terminolohiya ng mg computer. Narito ang paliwanag ko: Ano sa Tagalog ang “Save”?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
January 8, 2024
LG webOS upgrade coming to older TVs
The webOS Re:New program will bring the latest webOS upgrade to certain 2022…
Parang direct translation kasi ‘yung sinuswerte. E paano kung malasin? Hehe.
Ok na ako sa isang Google shirt–o mug, kung mayroon. Hehe.
Tama, mas bagay ang “Bahala Na” kaysa sa “Sinuswerte ako”. Sino ba kasi nag-isip at pumili ng “Sinuswerted ako”? Hehe 😀
Kung sakaling palitan ng Google at gamitin nila ang “Bahala Na”, dapat may prize ka or mention man lang, di ba?
Hmm, hindi naman pwedeng i-impok.
Saan nga kaya nagmula ang bahala na si Batman? :p
Save? Ipunin? Hehehehe. Bahala na si Batman!
@Jeff: Haha, chorva. :p
@JM: Mas Superman fan ako eh hehe.
Dagdagan natin ng “…si Batman” para umayon sa ating henerasyon. Hehe. =P
Agreed. Lagi ako natatawa pag nakikita ko yung “Sineswerte Ako” sa Google.com.ph
O kaya naman, pwede din “Chorva lang”, or some other phrase with more mass appeal HAHAH