May bagong feature ang YouTube sa Pilipinas. Inaasahan itong makatutulong kahit paano sa paglaban sa fake news.
Subukan mong mag-search ng isa sa mga topic na kadalasang nagiging paksa ng misinformation gaya ng “martial law.” Sa itaas ng search results, makakakita ka ng information panels na nagbibigay ng dagdag na context sa topic.
Nag-search ako ng “martial law” sa YouTube, at lumabas sa itaas ng search results ang information panel na may karagdagang konteksto ng topic. Tingnan ang Wikipedia article na nasa box sa ibabaw ng “Alaala: A Martial Law Special” na may picture ni Alden Richards:

Nang panoorin ko ang isa sa mga video, lumabas din ang information panel. Nasa mismong watch page ito sa ibaba ng video, bago ang pamagat.

Galing sa third-party sources tulad ng Wikipedia at Encyclopedia Britannica ang mga karagdagang impormasyong ito.
Maaaring isulat ng kahit sino ang Wikipedia entries. Pero dumaraan pa rin ito sa editorial process ng Wikipedia community. Puwede itong gamiting guide papunta sa primary sources of information.
Context Versus Historical Revisionism
Sana’y makatulong itong information panels ng YouTube para mabawas-bawasan ang tila malawakang pagtatangkang baguhin ang isang madilim na bahagi ng ating kasaysayan.
Ang batas militar sa panahon ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, tila pilit na binabago ngayon. Puno ang Internet, kabilang ang YouTube, ng mga maling impormasyon tungkol sa paksang ito.
Marami din ang mga kababayan nating napapaniwala sa mga kasinungalingan tungkol sa martial law na kumakalat online. Ang mga nauuto, mga taga-media at mga nag-aral pa ng kasaysayan ang sinasabihang naglalabas daw ng maling impormasyon.
Dati ay COVID-19 lamang ang nilalagyan ng YouTube ng ganitong information panel. Pero kamakailan, pinalawak na nila ito sa Pilipinas. Nilagyan na rin ang mga kontrobersiyal na paksa gaya ng climate change, 9/11 attacks, Holocaust, at Apollo moon landing, at ito ngang martial law.
Pag-aangat sa Mapagkakatiwalaang Sources
May mga feature pa ang YouTube na naglalayong mas mapalutang ang mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng impormasyon. Kabilang sa mga ito ang Top News and Breaking News shelves. May information panels din na nagsasabi kung ang gumawa ng video ay pinopondohan ng gobyerno. Makatutulong ito para malaman kung ang pinapanood mo ay posibleng propaganda ng pamahalaan.
“YouTube believes that people should be able to choose and make their own judgments about the information they consume along with context to inform their judgments. The expansion of YouTube’s information panels providing topical context to the Philippines is a critical next step to connect people with additional context. This has been an ongoing investment for YouTube as it continues efforts to raise authoritative information,” ayon kay Bernadette Nacario, country director ng Google Philippines.
Lalabas sa search results at sa watch pages ng YouTube ang information panel na nagdaragdag ng context sa topic anuman ang pananaw na ipinapahayag sa video.
Unang inilabas noong 2018, available rin ang feature na ito sa ibang bansa. Nakikita rin ito sa Australia, Brazil, France, Germany, India, Indonesia, Italy, Japan, Mexico, South Korea, Spain, UK, at US.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 28, 2024
Converge Netflix Bundle revealed
New plan offers fast internet and vast entertainment options.
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.