Blog Action Day 2009 Pilipinas

Umabot pa sa 11th hour ng Blog Action Day itong post ko.

Climate change
ang umuugong na paksa sa blogosphere sa araw na ito. Nagbabago ang klima dahil sa pag-init ng daigdig (global warming), na dulot naman ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang gasses. Nangyayari to dahil sa patuloy at malawakang paggamit ng fossil fuel bilang pinagkukunan ng enerhiya.

Ayon sa PAGASA, ang naranasan nating malaking baha sa Kamaynilaan na dala ng bagyong Ondoy ay epekto na ng pagbabago ng klima. Naulit ang trahedyang dala ni Ondoy nang rumagasa naman ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon.

Kung ganitong masama ang epekto ng climate change sa atin, ano ang maaaring gawin ng mga karaniwang taong gaya natin para mapigilan ito? Sa unang tingin, iisiping ang pananagutang pigilan ito ay nasa malalaking mga bansa at mga korporasyon at mga mamamayan ng mga bansang ito. Sila kasi ang matinding gumamit ng enerhiya ng mundo.

Ngunit dahil tayong lahat ay magkaugnay, kahit sa mumunti nating paraan ay makakatulong din naman tayo. May mga maliliit na bagay gaya ng paggamit ng tamang bombilya sa mga ilaw sa ating bahay, pagpili ng mas green na gadgets, pagpatay sa ating computer at iba pang gamit sa bahay kung di natin ginagamit, pagdadala ng sariling bag sa pamimili (di ba’t dati’y bayong ang ginagamit natin sa palengke?), pagtitipid sa papel, at iba pa.

Ang layunin ng lahat ng ito ay makatipid sa enerhiya at mabawasan ang pagsusunog ng fossil fuels na nakadaragdag sa pag-init ng daigdig, nagdudulot ng pagbabago sa klima.

Anu-ano ang iba pang kontribusyong naiisip ninyo?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center