Ngayong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Ama ng Rebolusyong Pilipino at Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ipinagdiriwang din ang ika-40 taon ng Kabataang Makabayan, isang underground revolutionary organization ng mga kabataang Pilipino. Isa sa mga legal na organisasyong nanguna sa paglaban sa rehimeng Marcos, napilitan itong umilalim nang ideklara ang Batas Militar. Nagpatuloy hanggang ngayon nag organisasyong ito, kung ibabase sa mga laman ng kanilang website.
Narito ang pagbati ni Prof. Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Kabataang Makabayan. Puwede rin itong gamitin ng mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati sa site na ito:
Ipagbunyi Ang Ika-40 Anibersaryo Ng Kabataang MakabayanNi Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan
Nobyembre 30, 1964Mula nang itatag ang Kabataang Makabayan noong Nobyembre 30, 1964, maningning nitong ginampanan ang papel bilang pangunahing komprehensibong organisasyon ng kabataan. Pinukaw nito, inorganisa at minobilisa ang mga estudyante at kabataang hindi makapag-aral, ang kabataang manggagawa, maralita ng lunsod, magsasaka, mangingisda at propesyunal sa pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa monopolyong kapitalismo ng dayuhan, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo.
Sinadya nating mga tagapagtatag na piliin ang karaarawan ni Andres Bonifacio bilang araw ng pagtatatag para parangalan ang kanyang pamumuno sa lumang demokratikong rebolusyon ng 1896 laban sa kolonyalismong Espanyol at bigyang diin ang ating determinasyon na muling palakasin ng KM ang patriyotikong tradisyong rebolusyonaryo ng mamamayang Pilipino at ipagpatuloy ang mga ditapos na tungkulin ng rebolusyong Plipino.
Kinilala natin na ayon sa umiiral na mga kondisyon ng modernong imperyalismo at rebolusyong proletaryo, kailangan nating maglunsad ng bagong demokratikong rebolusyon na pinamumunuan ng uring manggagawa, tinatangkilik ng malawak na masa ng mamamayan at nakatuon sa pagtatamo ng sosyalismo kapag umiiral na ang ganap na pambansang kasarinlan at demokrasya. Sa gayon, binalikat ng KM ang papel ng pagsisilbi bilang paaralan sa pagsasanay ng mga kabataang rebolusyonaryo at pagtulong sa uring manggagawa sa pagtupad ng mga rebolusyonaryong tungkulin nito.
Mula noon, nakapagrekluta ang KM, nakapagsanay at nakasubok ng mga kadre at aktibista at nakamobilisa ito ng malalaking bilang ng kabataang lalaki at babae para sa iba’t ibang tipo ng mga organisasyon ng kabataan, para sa kilusang unyon, para sa kilusang magsasaka, para sa iba’t ibang organisasyong propesyunal, para harapin ang mga isyung sektoral at multisektoral at tuparin ang iba’t ibang klase ng gawain. Naging napakahusay nito pareho sa ligal na mga pakikibakang masa at sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka,
Naging susing salik ang KM sa pagluluwal ng daluyong ng anti-imperyalista at antipyudal na kilusang masa noong mga taon ng 1960. Nagbigay ito ng aktibong suporta sa kilusang unyon at kilusang magsasaka kaugnay ng edukasyong pampulitika, mga welga at protestang masa. Tumulong ito sa Lapiang Manggagawa at pagkatapos sa Partido Sosyalista mula 1963 hanggang 1968. Isinulong nito ang pagsasakongkreto ng Movement for the Advancement of Nationalism o MAN bilang isang malawak na pambansang nagkakaisang hanay mula 1966 hanggang 1968.
Nagsilbi ito bilang saligan ng mga kadre ng proletaryong kabataan na nakitunggali mula 1966 hanggang 1968 para sa pagwawasto ng mga kamalian sa lumang Partido at para isulong ang pagtatayo ng tunay na partido komunista na pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong. Ito ang nagpalitaw ng batayan sa muling pagtatatag ng proletaryong rebolusyonaryong partido na may pambansang saklaw at malalim na nakaugat sa hanay ng masang anakpawis at kabataan.
Inabot ng KM ang rurok ng mga mobilisasyong masa noong Unang Kwartong Sigwa ng 1970 at ang kasunod na sigwa ng mga protestang masa hanggang ipataw ni Marcos ang batas militar noong Setyembre 1972. Napakabilis nitong lumawak sa pambansang saklaw dahil sa mabisang gawain nito sa sa propaganda, pagbubuo ng mga tsapter at pagpapakilos ng kilos masa. Lumikha ito ng lambat para sa pagbubuo ng rebolusyonaryong partido ng proletaryado at ng rebolusyonaryong kilusang masa sa pambansang saklaw.
Malaki ang naging tagumpay ng KM sa pagsasanay ng napakaraming kabataan na sa kalaunan ay sumulong sa pagiging mga kadre at myembro ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP) at mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Tumayo ang mga kabataang ito sa unahan ng rebolusyonaryong pakikibaka laban sa pasistang diktadura ni Marcos na inudyukan ng US.
Ang KM ang naging Komunistang Liga ng Kabataan (YCL). Patuloy itong umaambag sa pag-ibayo ng lakas at pagsulong ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa, kabilang ang CPP, ang NPA, mga organisasyong masa, mga organo ng kapangyarihang pampulitika at iba’t ibang tipo ng alyansa. Patuloy nitong binibigyan ng inspirasyon ang kabataang Pilipino para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes at gayundin ang sa sambayanang Pilipino.
Maipagdiriwang ng mga beterano at kasalukuyang aktibista ng KM at maging ng mamamayan sa pangkalahatan ang naipong mga tagumpay ng KM kaugnay ng edukasyong pampulitika, pag-oorganisang masa at mobilisasyong masa. Maaaring ipagdiwang ang gayong mga tagumpay sa mga awit, sayaw, panulaan at ibang mga anyong gawaing pangkultura. Pero alinsabay na marapat ibigay ang pinakataimtim na pagpupugay sa mga namartir at kahanga-hangang nagsakripisyo sa nakaraang 40 taon ng pakikibaka para pagsilbihan ang mamamayang Pilipino.
Mahabang pagmamartsa pa ang kailangan sa pagkompleto ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US at lokal na mapagsamantalang uring malaking komprador at panginoong maylupa. Walang mapagpipilian ang api at pinagsasamantalahang kabataan at mamamayan kundi ang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes dahil hindi kailanman mapapagod sa pang-aapi at pagsasamantala sa kanila ang mga mang-aapi at mapagsamantala.
Nahihikayat ang KM at ang kabataang Pilipino sa pangkalahatan nang higit kailanman sa nakaraan na ipagpatuloy ang rebolusyong Pilipino dahil mula 1964 lalo pang nabulok at lalo pang hinagupit ng krisis ang makolonyal at malapyudal na naghaharing sistema at tinamo ng mga rebolusyonaryong pwersa ang ibayong karanasan, mahusay silang natuto ng mga aral at patuloy na lumalakas habang nakikibaka.
Sumasabay ang internal na kabulukan at kabiguan ng naghaharing sistema sa pagsama ng krisis ng kapitalistang sistema sa mundo. Walang kaparis ang paglala ng krisis mula noong magtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinakawalan ng tinatawag na globalisasyon ng “malayang pamilihan” o “free market” ang pinakamapandambong na mga anyo ng pagsasamantala at nagbubunsod ito ng depresyong global, terorismo ng estado at mga gerang agresyon. Sa gayon, natutulak ang mamamayan ng mundo na maglunsad ng iba’t ibang anyo ng paglaban sa mga ito.
May ilusyon ang US na bilang nag-iisang superpower, na walang katulad ang hitech na armas at walang limitasyon ang kapasidad sa pangungutang, ay magagawa nitong palawakin bastat gustuhin ang sariling paghahari sa pulitika at teritoryong pang-ekonomya. Pero sa Iraq nahubaran ang Emperador na si Uncle Sam, nakahantad at bulnerable bilang isang sobrang banat na kapangyarihan at bilang target ng mamamayang Iraqi sa mga opensibang “close quarter” o malapitan. Kaya inspirado ang mamamayang Pilipino at ibang mga mamamayan ng mundo na pasidhiin ang kanilang rebolusyonaryong pakikibaka habang nalulubog sa kumunoy ang imperyalismong US sa Iraq.
Sa aking pagtanaw bilang bagong halal na tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS), nagagalak akong makita ang pagdaluyong ng paglaban ng mamamayan sa imperyalismo at mga papet nito sa buong mundo. Ipinagkakapuri kong makita na ginagamit ng mamamayang Pilipino ang mga paborableng kondisyon para sa rebolusyon at nagbibigay sila ng ambag sa pakikibaka ng sangkatauhan para makalaya mula sa hagupit ng imperyalismo.
Ipagpatuloy ninyo sa Kabataang Makabayan ang pagiging isang mayor na salik sa pagsulong ng rebolusyong Pilipino at ang pagiging mulat sa mahigpit na pangangailangan ng proletaryado at mamamayan na palakasin ang kanilang pagkakaisa at pakikibaka para sa isang bago at mas mabuting daigdiglaban sa imperyalismo at mga sagadsaring alipuris nito.
Mabuhay ang Kabataang Makabayan at ang kabataang Pilipino!
Isulong ang bagong demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino!
Umambag sa pagtindi ng paglaban ng mamamayan ng mundo sa imperyalismo at mga pusakal na papet nito!>
Mula ang pahayag na ‘yan sa http://www.joma-sison.o-f.com/IpagbunyiAngIKA40KM.htm
![](https://ederic.net/wp-content/litespeed/avatar/565b440d4e4a7f361570eebce1ac5a1c.jpg?ver=1736452175)
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 13, 2013
Talumpati sa pagtatapos
"At kapag nangangarap ako, inataasan ko na. Para kung bumagsak man ako, medyo…
[…] ni Sison ang maalwang buhay at hinamon ang umiiral na kaayusan sa ating lipunan. Itinatag niya ang Kabataang Makabayan upang isulong ang ganap na pambansang kasarinlan at […]
…mapagpalayang pag-bati sa lahat, layunin ko na maipaabot za lahat ng uri @ sektor ng ating lipunan ang aking pakikiia sa pagsusulong ng mga gawain sa reboluyon sa lahat ng anyo @ antas… mabuhay ang kabataang makabayan-partido komunista ng pilipinas- bagong hukbong bayan @ masang pilipino,,, isulong ang pambansang demokrasya tungo sa ganap na tagumpay…
ipagtanggol ang karapatan ng mga magsasaka, manggagawa, etyudyante at at ng buong mamayan ng pilipinas
ipagpatuloy ang nasimulang rebolusyon, makisama sa sa pagtulong sa kapwa…
ibagsak ang rehimeng arroyo.. wag hayaang maulit ang nagyari sa panahon ni marcos…
stop the political and extrajudicial killings in the philippines!!!
Isang magandang pagbati sa lahat ng tumitingin sa pahinang ito.
Nais ko lamang ipaabot ang aking lubos na kagalakan dahil sa mga nabasa ko. naparami kong natutunang aral. Naway ipagpatuloy natin ang pagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Pilipino. Lalong lalo na sa mga Kabataang naliligaw ng landas. Naway magsilbing gabay sa kanila ang mga aral na mapupulot nila sa KM.
Maraming salamat
pau b mahanap ung mga tao sa Pilipinas?????????????????????!!!!!!!!!!!!!!!
anyway muzata nman mga Sequoierz jan!!!!!!!!???????????????
hello!!! po gusto ko lang po sanang humingi ng isang talumpati tungkol sa mga paghihirap at mga pagsisikap na dinanas ng isang student nurse bago siya naging isang matagumpay na nurse… Salamat po PLS!!!! paki send naman po agad sa email ad ko PLS LANG PO…..THANK YOU PO…..
pls send me a simple kind of “talumpatiâ€â€¦â€¦.gud 4 3 minutes lang po pls…..tnx
i beg u pls……….
pls send me a simple kind of “talumpati”…….gud 4 3 minutes lang po pls…..tnx
Isang maalab na pagbati,Humahanga pa rin ako sa pagpupursigi ng KM na mailapit ang mga ganitong pag aaral sa mga uring lumpin at peti burgis.Karagdagang pag aaral sana tungkol sa IBP.Kahit papano may matutunan din sila sa labas ng apat na sulok ng paaralan.Salamat
gawa kau madaming talumpati bout s lovE….hehe ung cute naman po! hehe ung pang lovers tlga ty…marnix@yahoo.com
sobrang nakakaboring….maikling talumpati lang ang kailangan ko…..
hay naku!!!pahingi nman ng dlawang talumpati 14 dayzz ko na 2ng assignment!!!project pla!!!!!
may mga bagay na kinailangan sa sarili nitong panahon at napag-iiwanan rin naman ng pagbabago.
tila hindi naman naangkop ang armadong pakikibaka sa panahon ngayon. walang mababago kahit palitan ang mga lider sa gobyerno o baliktarin pa mundo. ang kaisipan ng bawat taong bumubuo o namumuno sa lipunan ang nangangailangan ng pagbabago, mula sa basurero… hanggang sa asawa ng pangulo.
walang halaga ang katotohanang walang naniniwala, dahil sa huli at pagkatapos ang pinaniniwalaan at ipinamumuhay lang ang may saysay.
kulang lang siguro ako sa tulog, weh.^^
PWDE HINGI NG TALUMPATI 3 LAHAT PLS….REPLY PO A.S.A.P KSI NGAUN NAMIN KAILANGAN EH
h! po
sana po bigyan nyo ako ng isang halimbawa ng talumpati….sana pagbigyan nyo ako…..
hell po… gusto ko poh humingi ng isang magandang talumpati ng nakakaantig ng puso ng mga kabataan ngayun kasi para walng silang respect sa kanilang mga sarili at mga magulang sana kong mabasa nyo itong aking message para sa mga kabataan sa na wag kayong magalit tnx pohh
nakz.. chuy jud kaaU!! m/
hihinge poh sana ako ng maikling talumpati pls pohh tingkol sa kabataan. plssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss
wla lang
cge naman po oh???!!!Pls..???
Hello!!! po…Gusto ko po sana humingi ng talumpati…yong kayang kaya ememoryado ng nasa 1st year high school. kung pwede maikli lang po tsaka hindi lalampas ng tatlong minuto…Mabbigyan niyo po ba ako??? reply A.S.A.P. pwd po ba???malap8 na po maubus account ko eh…
ok lng yung talumpati..sna bigay p kayo ng maraming talumpati about naman sa kabataan.thankz poh!!!!!!!!!!!!!
diuhgfgcbfgcjgrygthewy…………bcgtgfgtr…………..
((((((((((((((((….)))))))))))))
break it down…………..
bullshit ka
fucking shit………..
Hindi po ako miyembreo, at hindi ko alam kung may chapter sila sa Cagayan de Oro.
do they have any chapter in cagayandeoro?
are uaKMmember?
wow heavy!!! sobra…………. sobrang haba, sobrang maarte, sobrang maganda, sobrang may mapupulot na aral………….