Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa unang pangulo ng Pilipinas.

Itinuturo ng opisyal na kasaysayan — na bunga na kolonyal na edukasyon — na si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo. Ngunit may mga historyador, gaya nina Dr. Milagros Guerrero, na nagsasabing si Andres Bonifacio ang tunay na unang naluklok sa posisyong iyan na hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin.

Ang tungkol sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio ay isa sa mga isyung tatalakayin sa susunod na labas ng I-Witness. Nasa ibaba ang article mula sa GMANews.tv:

Kilala mo ba si Andres Bonifacio?

Dahil kakaunti lang ang mga sulat, dokumento at kahit litratong iniwan niya, misteryo para rin kung sino talaga ang Ama ng Rebolusyon.

Sa kabila nito, isa ang tiyak: maaring wala na ngang bayani, maliban kay Rizal, ang makatutumbas sa lalim at tindi ng paggunita ng mga Pinoy kay Bonifacio.

Para makasama sa kanyang paghahanap sa natatagong Bonifacio, sinamahan si Howie Severino ni Atty. Gary Bonifacio, apo ni Gat Andres sa kapatid niyang si Procopio at ang unang abogado sa pamilya.

Sa kanya, natuklasan ni Howie na ang pagpatay sa Supremo ng Katipunan ay nagkaroon ng mabigat na epekto sa pamilya na ramdam pa nila kahit ilang henerasyon na ang lumipas.

Ilang Bonifacio na raw ang nagpapalit ng pangalan at marami ang ayaw pa ring lumantad ngayon.

Habang binabagtas nila ang mundo ng kabataan ni Gat Andres, natuklasan ni Howie na ang kinilalang Bayani ng Masa ay marunong mag-Kastila at may mestizang ina, nagtrabaho para sa mga multinational companies, at hindi mahilig maglakad ng nakapaa tulad ng karaniwang imahe niya sa sining.

Pero dumating ang pinakamalaking rebelasyon matapos mabasa ni Howie and ilang piling dokumento at makausap ang ilang nag-aral ng kasaysayan: Si Bonifacio nga ba — at hindi si Emilio Aguinaldo — ang unang pangulo ng Pilipinas?

At totoo kayang ang kinikilalang unang halalan para sa pagka-Presidente ng ating bansa ay may bahid ng pandarayang hindi binabanggit sa mga libro ng kasaysayan?

Ang tunay na buhay ni Gat Andres Bonifacio, ilalantad na ngayong Lunes, Nobyembre 26, sa I-Witness — ang 2007 PMPC Star Award winner para sa Best Documentary Program at Best Documentary Program Hosts. (GMANews.tv)

Cinematography: Egay Navarro
Field director: JJ Villamarin
Field producer: Mavie Almeda
Executive producer: Ella Evangelista


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center