Gusto mo bang makapasok sa “bahay ni Kuya Ederic”?
Kulang kami ng isang housemate. Nag-“voluntary exit” kasi ang kaibigan kong si Bing noong isang buwan. Dahil dito, lumipat ako sa kuwarto niya. Wala na ngayong roommate ang pinsan kong si Jay na kasalukuyang nagsasanay sa isang kampo ng pulisya sa Laguna. At wala akong katulong sa pagbabayad ng renta.
Maaaring ikaw ang hinahanap naming roommate. Kung ikay ay good boy, nasa kolehiyo o kasalukuyang nagtatrabaho sa Kamaynilaan, at naghahanap ng matutuluyan sa Quezon City (Barangay Sacred Heart/Scout/Kamuning Area), bakit di mo silipin ang silid?
Nasa ikatlong palapag ang unit namin. Madaling makasakay sa jeep at taxi, isang sakay lamang papuntang Philcoa, o dalawang jeep papuntang UP. Malapit kami sa GMA-7, at puwedeng maglakad lamang kung gigimik sa Timog o Morato. Puwedeng lakarin mula sa bahay ang Greens, Jollibee, Kopi Roti at Figaro. Malapit din kami sa simbahan at sa maliliit na convenience at sari-sari stores, sa palabahan, at mga barber shop.
May landline at DSL Internet nga rin pala kami.
Kung gusto mong maging housemate, mag-comment lamang o mag-e-mail sa ederic[at]gmail[dot]com.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Ahehehehe. Akala ko nga totoong bahay ni Kuya.
Hmn, baka me gusto ring makapasok sa bahay ni Ate. 😛
Mommylenya lilipat ka? Wushu! lols
magkano renta?
Hmm, centrist ba ako? Maiipit ako sa palitan niyan. Hehe
supremo,
hehehe walang kupas ang
pagiging centrist mo…
buti na lang non-aligned ako.
gari
@ambo: Style ko lang yun. 🙂
@aajao: Hmmm, pero di ka naman yata good boy. :p
@gari: non-nego yung good boy, hehe. kaliwa’t kanan? e di sesentro yung ikatlo. 😉
supremo,
nyahahaha nakakaakit nga
ang usaping figaro at kopiroti…
pero yung kung goodboy ang
usapan…negotiable ba yun!
hahahaha pwede ba magsama
ang isang kaliwa at kanan sa
isang kuwarto?! o kaya naman
ang isang rebelde at isang pulis
pangkalawakan?
hehehe!
naaakit ako sa mga pangalang “Kopiroti” at “Figaro”. lololol.
Hahaha ayos ah. Simpleng “wanted room mate” pala yan ederic! Buong akala ko pa naman sa PBB house lols