Sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, ano na nga ba ang halaga ng kalahati ng piso? Ano ang mabibili sa sa 50 sentimos? Wala akong maisip. Kahit sa isang juicy fruit gum na dati’y 25 centavos lang, hindi na nga ata ito kasya. May mga panahong 50 sentimos lang ang mga paborito kong Chocnut at Chocobot, at lumipas na ang mga panahong iyon.
Kaya kapag sumakay ka sa dyip papunta sa kasunod kanto at nag-abot ng walong piso pero hindi ibinalik sa iyo ng drayber o konduktor ang sukling 50 sentimo ngayon, ano ang ginagawa mo?
Dati, kadalasa’y hindi ko na kinukuha lalo na kung nasa dulo ako ng sasakyan. Bukod sa nahihiya akong mangulit nang dahil lang sa 50 sentimo, medyo mahina kasi ang boses ko. Kaya lang, kapag ganoo’y hindi matahimik ang kalooban ko, lalo na kung halata kong sinasadya ng drayber (o konduktor) na hindi na ibigay. Yun bang kunwari, nalimutan. Iniisip siguro, sayang din ito. Nag-aarimhan*. Kapag di ko nakukuha ang karampatang sukli, bumababa akong masama ang loob. Napapamura pa nga minsan.
Kaya nitong mga nakalipas na araw, kinukuha ko na ang 50 sentimo. Eh ano kung nakakahiya? Ginagawa ko lang ang makatarungan. Ibigay sa akion ang para sa akin.
Bukod pa rito, sa kabila ng mababang halaga ng 50 sentimo, kulang ng kalahati ang iyong piso kung wala ito. Liban na lang kung estudyante o senior citizen ka, o kaya’y mabait ang drayber hindi ka makakasakay sa dyip kung kulang ng kalahati ng piso ang P7.50 na minimum na pamasae ngayon.
Isa pa, ang pinagtitiyagaan kong online click to earn programs, one (US) cent ang halaga ng bawat isa– sa exchange rate na 50 piso sa isang dolyar, 50 sentimos yun! Ang pinagtitiyagaan kong puluting isa-isa sa cyberhighway, bakit ko hahayaang kunin nang iba sa Timog Avenue o Scout Ybardolaza?
Arimhan – salitang ginagamit sa amin sa Marinduque.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Kinukuha ko. Kahit nga diyes o cinco (sentimo) kinukuha ko e. Hahaha.
Ang laging nasa aking isipan ay :kung walang 1 sentimo, walang piso. Kung walang piso, walang sandaang piso.
tres: tama ka. mas matimbang kasi yung sama ng loob na nararamdaman natin sa panggugulang na ginawa kaysa sa actual na halaga ng nanenok. 😀
gari: ako, sinisuguro ko na lang lagi na maraming 25c sa coin purse ko. hehe.
tama…sabi nga sa komersyal ng pondong pinoy, ang .25 mahalaga para sa pagbabago..kaya may isang malaking mug ako na pinaglalagyan ng tag-25 cents. hmph!
mas matindi sa akin, minsan ang sama ng loob ko na di binibigay yung .25 na sukli sa akin (gaya kanina). 13.75 lang kasi sana ang pamasahe pero 14.00 ang kinukuha. ang sa akin lang, dapat kunin lang iyong tama (alang labis, alang kulang), kahit piso pa yan o bente singko sentimos lang. dahil kung hindi, panggugulang na ang tawag dyan.