Sa Linggo, Setyembre 21, magkakatay ang mga Dabawenyong tagasunod ni Tatay Digong ng sandaang baka bilang alay sa kalangitan. Ayon ito sa announcement ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Facebook page kamakailan. Gagawin ang pagkatay ng 100 baka sa Pray for the Philippines rally sa Rizal Park sa Davao City.
Ang handog na ito, ayon sa vice president, ay para sa paglilinis sa diwa ng bansa at para ipanalangin ang ligtas at maunlad na Pilipinas, gayundin ang pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong ngayon sa The Hague sa Netherlands at nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Ang mga bakang iialay, lilitsunin at pagsasaluhan ng mga dadalo sa rally.
Ang unang reaction ko sa balitang ito, kawawa naman ‘yong mga baka! At sa panahong ito, parang hindi na karaniwan ang mga ganitong alay o handog sa kalangitan. Nata-time-space warp na naman ba tayo?
Kasabay ng rally sa Manila kontra sa corruption ang rally sa Davao. Gigil ang mga tao sa DPWH contractors at mga politikong nagbubulsa umano ng pera ng bayan na dapat sana’y pondo sa flood control projects. Panawagan para sa accountability ang rally sa Luneta sa linggo. Nakapagpapaalaala ito ng Million People March noong 2013 — sa panahon ni Pangulong Noynoy Aquino — na nanawagan sa tuluyang pag-abolish sa pork barrel fund. Hindi nakapagtataka kung may mga kritikong magsasabi na ang
Madugo naman ang gagawing pagpatay sa 100 baka sa Davao. Makapagpapaalala ito ng malupit na war on drugs ng matandang Duterte, na pumatay sa libo-libong Pilipino at naging dahilan kung bakit siya ipinaaresto ng ICC. Madugo at gagawing parang palabas ang magaganap na katayan. Ila-livestream ito at kukunan ng mga litrato ng bloggers at media.
Maaaring maibalita sa buong mundo ang katayan. Makikita ito ng mga OFW, kasama ang mga palabang sound bites ng pangalawang pangulo — na sa kabila ng kinahaharap na alingasngas sa confidential funds ay itinutulak pa rin ng Duterte Diehard Supporters o DDS na tumakbong pangulo sa 2028. Hindi na ako magtataka kung may political analysts na magsasabing ito ay 100 baka para kay Sara.
Samantala, binatikos ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang balak nina Sara. Tahasang kalupitan, ayon sa grupo, ang pagpapalabas sa madla ng paghihirap ng mga hayop. Nanawagan sila na pag-isipan ng mga taga-Davao ang kanilang balak.
Narito ang pahayag ng PETA:
Animals, including these cows, have no political stance — they simply want to live. Cows are gentle animals who love their babies and cry out in fear when their lives are taken. Turning their suffering into a public spectacle is cruelty, plain and simple. Taking their lives for a political stunt is shameful, and we beg those involved to reconsider. Choosing compassion instead of cruelty would show the world the progressive country the Philippines truly is and give the entire nation something to be proud of. The Philippines has a chance to reject violence against animals and embrace compassion instead.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.