Para sa mga Kristiyano — lalo na sa mga Katolikong gaya ko — na dahil sa pangingilin ay hindi puwedeng kumain ng karne kapag Biyernes tuwing Kuwaresma, pumili ang PETA Asia ng 10 restaurants na naghahain ng mga putaheng walang sahog na karne at lamang-dagat.
Beni’s Falafel
4634 Valdez St., Poblacion, Makati
0906-349-1300
Ang sikat na pagkain sa Beni’s Falafel ay ang malutong na falafel patties na ipinalaman sa mainit-init na pita pocket at nilagyan ng ensalada at hummus—at unlimited na tahini at spicy chili sauce.
Daily Veggie n Cafe
114 Sto. Domingo Avenue, Bgy. Siena, Quezon City
711-8209
Ipinagmamalaki ng Daily Veggie ang ikanilang Chinese menu, na kinabibilangan ng Sizzling Tao Pao Roll—ang nakaeengganyong kabute at mga gulay na inirolyo sa tofu skin at ihinain sa sizzling plate. Nagbebenta rin ang Daily Veggie ng mga soy-based vegan meat na maaaring lutuin sa bahay.
El Chupacabra
5782 Filipe St., Makati
895-1919
Madali lamang i-veganize ang mga masasarap na burrito, nacho, at street taco sa El Chupacabra—sabihin lang na huwag lagyan ng karne, keso, at sour cream.
Good Food Vegetarian
0928-766-2206
Ang Good Food Vegetarian ay nag-o-offer ng mga tradisyonal na pagkaing Pinoy na ginawang vegan gaya ng vegan na sinigang na baboy at vegan sisig. Nagbabago araw-araw ang kanilang menu. Sa bawat simula ng linggo, inilalabas ng Good Food sa Facebook page nils ang kanilang menu for the week. Nagde-deliver sila sa Quezon City, Makati, Mandaluyong, Ortigas, at Pasig.
Green Bar Cafe
Beyond Building, Westgate Center, Filinvest and Commerce Avenues, Alabang
831-2211
Mezz-104 West of Ayala Bldg., 252 Gil Puyat, Makati
885-7537
Naghahain ang all-vegan café na ito ng mga sandwich, wrap, at create-your-own salad na may mga masasarap na sangkap tulad ng kanilang homemade meaty seitan sausage, na nababagay na palaman sa sikat na breakfast burrito ng Green Bar.
Green Dot Catering
782-5264
Ang menu ng Green Dot ay may mga malalasang samosa at Good Friday-ready mock fish curry. Pero bukod sa kanilang Indian specialties, may iba pa silang mga pagkain gaya ng nasi goring at pasta dishes tulad ng masarap na vegan fettuccine alfredo. Ang Green Dot Catering ay nag-dedeliver kahit saan sa Metro Manila.
Greenery Kitchen
0927-606-9983
Ang Greenery Kitchen, isang delivery service, ay nagtatampok ng mga vegan meat sa kanilang mga Pinoy na putahe, gaya ng popular na vegan lechon kawali, vegan Filipino-style corned beef, at vegan tocino. Tanghalian lamang ang idine-deliver nila.
Jasmine Restaurant
New World Hotels, Esperanza Street cor. Makati Avenue, Ayala Center, Makati
811-6888
Ang Jasmine Restraurant ay may à la carte menu ng tunay at masustansiyang vegan Chinese dishes tulad ng Wok-Fried Abalone Mushrooms with Cashew Nuts and Black Pepper Sauce, at ang House Special Vegan Meat.
Greens Spot Café
Food Square #51 Magiting St., Teachers Village, Quezon City
577-3387
Ang Greens Spot ay may menu ng masasarap at abot-kayang mga pagkain tulad ng popular na pad Thai, vegan grilled liempo, at ang Heart Burger na may kasamang Soyanaise, isang signature egg-free mayonnaise ng Greens Spot.
Spices
Peninsula Manila, corner of Ayala and Makati Avenues, Makati
887-2888
Ang Spices ay naghahandog ng fine-dining experience at napakaraming vegan options—basta huwag mo lang palagyan ng oyster sauce. Mayroon silang iba’t ibang uri ng Southeast Asian specialties kabilang na ang Yam Son-o, isang refreshing na ensalada gawa sa suha na may dayap, sili, at mani.
Ayon sa PETA Asia, ang isda ay nakararanas din ng sakit at takot tulad ng lahat ng hayop, ngunit sila ay patuloy na pinapatay para sa pagkain.
“Habang ang mga Kristyano ay umiiwas sa baboy, baka, at manok kapag Biyernes Santo, nais naman ng PETA Asia na ipaalaala sa lahat na ang mga isda ay nakararanas din ng sakit at takot at karapat-dapat din sa ating konsiderasyon,” ani Jason Baker, bise presidente ng PETA Asia.
“Ang Biyernes Santo ay ang tamang panahon para subukan ang mga pagkain na walang karne, na nagliligtas sa mga sensitibong isda sa sakit mula sa pagkakabingwit, pagkakalambat, at pagkakabiyak ng katawan sa mga bangka,” dagdag pa ni Baker.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 27, 2023
New coalition formed to fight heart disease across Asia
The Asia-Pacific Cardiovascular Disease Alliance will tackle heart disease in…
June 21, 2023
Bawal na ang trans fat!
Sinimulan nang ipatupad noong June 19, 2023 ang ban on trans fatty acids sa…
June 8, 2023
UNICEF, Angeles City unveil mural on safe roads for children
The mural advocating children's safety on the road is in Gueco Balibago…