Yanig

Kagabi, inuga ang Luzon ng isang lindol. Nagulat na lang kami’t gumagalaw ang gusaling kinaroroonan namin. Bababa na nga sana kami, pero tumigil din naman, kaya balik sa pagtulog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology & Seismology, intensity 6.2 ang lindol. Wala naman daw ini-expect na damage, pero posibleng may aftershocks.

Kayo, nasaan kayo at ano ang ginagawa ninyo noong lumindol?

0 Replies to “Yanig”

  1. kararating ko lang ng bahay non. kumakain ako non habang nanonood ng TV. Umakyat nga kagad ako kasi nandon si Sophia ko, natutulog. Buti na nga lang at di sya nagising 😉

  2. nasa harap ng pc. akala ko nahihilo lang ako sa sobrang antok sabay narealize ko na umuuga buong pc station ko. takbo ako sa labas! hehe… thanks for hopping by my site.

  3. sana walang makabasa nito na barkada ko hehehe mejo bastos pasintabi sa mambabasa: nasa ika-25 palapag ako ng mga oras na yun – nakakainom na. Ilang bote na rin… sa CR napansin kong sumasala sa urinal ang pag-ihi ko sabi ko lasing na talaga ako sonrang tama nakakahilo e … bukod pa sa roon, hindi na tuwid ung dapat tuwid. Kung mejo makalat sorry na lang ung maintainance – pare kasalanan ko un. Heheheh lindol pala.

  4. ang kakatuwa noon, paglabas ko lumilindol pa rin — mayroon akong naririnig na sigawan – pero mahina lang galing pala sa ibang palapag – akala ko sixth sense ko na… so siempre kinabahan ako. madalas din namang may kwento dun sa bldg na may nanlalabas… kita ko pa minsan ang isang anino sa pader na naglaho patungo sa isang pinto noon hehehe so sa madaling sabi patapos na ang lindol ng malaman kong hindi pala ako lasing 🙂 hehhe

  5. Pingback: casino

Leave a Reply